News Releases

English | Tagalog

"MMK" docu drama, "It's Showtime All Access," at "Chikatitas" bagong palabas ng ABS-CBN sa YouTube

September 15, 2021 AT 07:50 PM

ABS-CBN launches 30th anniv docu drama for "MMK," "It's Showtime All Access," and "Chikatitas" on YouTube

“MMK Shorts: Beyond the Lens,” “It’s Showtime All Access,” “Chikatitas,” and “The Music Room” are the newest “Made for YouTube” titles under the newly launched “Kapamilya YOUniverse."

Lalong lumalaki ang Kapamilya YOUniverse ng ABS-CBN sa pagdadagdag nito ng mga kaabang-abang na bagong palabas na mapapanood sa iba’t ibang YouTube channels ngayong Setyembre, kabilang na ang espesyal na docu drama para sa ika-30 anniversary ng “MMK,” “It’s Showtime Online Access,” “Chikatitas,” at “The Music Room.”

Patuloy ang pagbibigay ng pag-asa at inspirasyon ni Charo Santos sa "MMK" sa paglulunsad ng “MMK Shorts: Beyond the Lens” kasabay ng pagdiriwang ng ika-30 taon ng longest-running drama anthology series sa Asya. Dito, babalikan ni Charo ang ilan sa mga kwentong tumatak sa puso ng mga manonood, ipapakita ang mga nakamit na tagumpay ng letters senders na hindi napanood sa show, at makakakwentuhan sila at ang mga artistang bumida sa kanilang mga istorya.

Makakasama ni Charo sa episodes sina Vilma Santos, Kim Chiu, Jane Oineza, Zaijian Jaranilla, Maris Racal, Elisse Joson, Charlie Dizon, Jameson Blake, at Hidilyn Diaz. Ipapalabas naman ang unang episode nito sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel tuwing Sabado simula ngayong Setyembre 18, 8 PM.

Papapasukin naman ang lahat ng mga solid Showtimer sa “It’s Showtime All Access,” ang ekslusibong behind-the-scenes look sa araw-araw na kulitan ng hosts, guests, at staff ng “It’s Showtime.” May bagong episodes na masusubaybayan mula Lunes hanggang Biyernes simula Setyembre 20, 5 PM, sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Sariwang showbiz chika naman ang hatid ng “Chikatitas” sa dalawang episodes nito kada linggo simula Biyernes (Setyembre 17). Sa ultimate kwentuhang ito, mapangahas na magbabalitaktakan ang mga anonymous showbiz tita tungkol sa mga pinagpipiyestahang trending topics online at ang pinakahuling showbiz news na kailangang malaman ng fans.

Handog naman ng ABS-CBN Star Music at One Music PH YouTube channels ang pinakabagong online show para sa bago at natatanging OPM artists na ibibida ang kanilang musika sa “The Music Room.” Available na ang episodes ng “Ako Naman Muna” hitmaker na si Angela Ken at rapper na si Kritiko, at malapit na ring mapanood ang pagtatanghal nina SAB (Setyembre 21), Nameless Kids (Setyembre 28), JMKO (Oktubre 5), Trisha Denise (Oktubre 12), FANA (Oktubre 19), at Sheryn Regis (Oktubre 26).

Ang “MMK Shorts: Beyond the Lens,” “It’s Showtime All Access,” “Chikatitas,” at “The Music Room” ay bahagi ng lumalaking Kapamilya YOUniverse, ang pagsasama-sama ng iba’t ibang YouTube channels ng ABS-CBN para maghatid ng entertainment, musika, pelikula, at balita.

Ang ilan sa “Made for YouTube” titles na ekslusibong napapanood sa YouTube ay ang “Secret Movie Files” at “He’s Into Her Extras” sa Star Cinema, “Gold School” sa Star Music, at “Dear MOR,” “Gapnud sa Kinabuhi,” “Bedtime Stories,” at “MOR Playlist” naman sa MOR Entertainment.

Tumuloy na sa Kapamilya YOUniverse sa YouTube at mag-subscribe sa ABS-CBN Entertainment, ABS-CBN Star Cinema, ABS-CBN Star Music, MOR Entertainment, ABS-CBN News, ABS-CBN It’s Showtime, at One Music PH.