News Releases

English | Tagalog

Engrandeng pagsalubong kay Lovi Poe, live ngayong Linggo sa 'ASAP Natin 'To'

September 17, 2021 AT 07:17 PM

Lovi Poe gets grand Kapamilya welcome live on 'ASAP' this Sunday

Don't miss this special Pinoy pride party from the country's longest-running musical variety show, "ASAP Natin 'To," live this Sunday at 12 NN

Mga Pinoy champions, bibigyang pugay

Isang engrandeng welcome party ang naghihintay sa new Kapamilya star na si Lovi Poe habang sunod-sunod na pagbibigay-pugay sa mga Pinoy champion ang hatid ng world class acts tulad ng P-Pop collab ng BINI at BGYO, idol performance ni Raffy Tulfo, at todo-kantahan kasama ang mga mahuhusay na mang-aawit sa "ASAP Natin 'To," live-na-live ngayong Linggo (Setyembre 19) sa Kapamilya Channel, A2Z, and TV5.   

Huwag palampasin ang engrandeng pagsalubong sa bagong Kapamilya star na si Lovi Poe kasama ang mga OPM hitmaker na sina Erik Santos, at Gary Valenciano.    

Abangan naman ang inspiring opening number mula sa inyong ASAP family kasama rin sina Robi Domingo, Joao Constancia, Nyoy Volante, Belle Mariano, at marami pang iba. Magpapasiklab naman sa kantahan ang mga finalist at bagong grand winner ng "Tawag ng Tanghalan kasama ang mga singing champion na sina Janine Berdin, JM Yosures, Sheena Belarmino, Ana Ramsey, at Sam Mangubat.

Hahataw naman ang mga paborito ninyong artista tulad nina Donny Pangilinan, Maymay Entrata, AC Bonifacio, Amanda Zamora, Kurt Mendoza, Quincy Villanueva, at ASAP dance royalty Kim Chiu sa bagong edisyon ng "Star Magic Presents." Hindi rin pahuhuli ang real-life sweethearts na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio sa kanilang "ASAP Transformation" bilang Shawn Mendes at Camila Cabello.   

Tuloy ang kantahan to-the-max sa Olivia Rodrigo-inspired collab nina Moira dela Torre, Klarisse de Guzman, at KZ; mga nakamamanghang duet mula kina Rob Deniel at Divine Diva Zsa Zsa Padilla, pati nina Adie at Asia's Songbird Regine Velasquez; at sasabak din sa pagkanta si idol Raffy Tulfo kasama sina Nina at Zsa Zsa sa "ASAP Fresh."   

Siguradong magiging proud ang manonood sa bigating P-Pop performance ng BINI at BGYO. Patuloy na ipagdiwang ang tagumpay ng Pinoy sa pagsasama-sama nina Erik Santos, Jed Madela, vocal trio iDolls, Janella Salvador, Moira dela Torre, Nina, Elha Nympha, Sheena Belarmino, Lara Maigue, Janine Berdin, Sam Concepcion, Jason Dy, Sheryn Regis, KZ, Zsa Zsa Padilla, at Gary Valenciano.

Talagang kaabang-abang ang bonggang Pinoy pride party ng longest-running musical variety show sa bansa, ang ASAP Natin 'To," live ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.      

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.