News Releases

English | Tagalog

Jeff Canoy, kinilala bilang top news personality sa 8th Paragala Awards

September 02, 2021 AT 11:40 AM

Jeff Canoy, among the top news personalities in the 8th Paragala Awards

The ABS-CBN News anchor, reporter, and documentarist was recognized for his efforts and commitment in bringing essential and credible news and information to the public, especially in times of a health emergency.

Isa ang premyadong mamamahayag na si Jeff Canoy sa mga pinarangalan ng Crisis Coverage Award: Top News Personalities sa ginanap na 8th Paragala Central Luzon Media Awards.
 
Kinilala ang ABS-CBN News anchor, reporter, at documentarist sa kanyang pagsisikap na makapaghatid ng mahahalaga at mapagkakatiwalaang balita at impormasyon sa publiko, lalo na sa panahon ng isang health emergency.
 
“Talagang nakakataba po ng puso ito pong pagkilala mula sa Paragala. Salamat po sa pagsuportang ibinibigay niyo po sa ABS-CBN, sa malayang pamamahayag, gayundin sa patuloy na ibinibigay na serbisyo namin para sa mga Pilipino. Thank you po at ingat po kayong lahat,” ani Jeff sa ginanap na virtual awarding ceremony noong Agosto 28.
 
Sa ika-walong taong pagsasagawa ng Paragala ng Holy Angel University, binigyang pugay nito ang medical and media practitioners na tinitingala bilang mga bayaning frontliner ngayong pandemya. Para sa taong ito, pinili ang mga nanalo ng mga guro ng komunikasyon sa Central Luzon.
 
Maliban sa pagbabalita sa “TV Patrol” at iba pang plataporma ng ABS-CBN News, naglilingkod rin si Jeff sa mga Pilipino sa pamamagitan ng kanyang programang “Sakto” sa TeleRadyo kasama sina Amy Perez at Johnson Manabat. Hatid nila rito ang diskusyon at panayam ukol sa mga maiinit na isyu at kwentuhan sa mga usaping relasyon, kalusugan, karera, at libangan. Napapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes ng 6 am sa TeleRadyo at Kapamilya Channel.
 
Daragdag ang bagong award na ito ni Jeff sa mga iginawad sa kanya nitong mga nakaraang taon kabilang ang Gold World Medal (2018) at Bronze World Medal (2020) sa New York Festivals TV and Film Awards, Gold Dolphin sa 2018 Cannes Corporate Media and TV Awards kasama si Chiara Zambrano, at First Prize sa English Essay category ng 2018 Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.
 
Para sa iba pang ABS-CBN updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE