News Releases

English | Tagalog

Baguhang singers, may hugot sa sawi at lihim na pag-ibig

September 20, 2021 AT 12:16 PM

 Hugot tungkol sa isang secret affair ang maririnig sa bagong kanta ng Filipino-Japanese singer-songwriter na si Kenzo Martini na pinamagatang “Virgo” habang tungkol naman sa sawing pag-ibig ang awitin ng kumu streamer na si Nelvic na “If I Never Tried.”
 
Kabilang ito sa mga bagong kantang hatid ng Old School Records.
 
Isinulat ni Kenzo at Old School Records label head Kikx Salazar ang “Virgo” na tungkol sa isang seksi at lihim na ugnayan ng dalawang tao at may tunog midnight slow jam at 90s R&B vibe.

 
Si Kikx din ang sumulat ng debut single ni Nelvic na “If I Never Tried” katulong naman ang musical director na si Iean Iñigo. Isa itong Korean-inspired ballad na alay para sa mga taong nais makalimot mula sa nagtapos na relasyon.

 
Inilunsad ni Kikx ang mga nasabing kanta sa pamamagitan ng isang livestream sa Instagram tampok ang bagong Old School Records artists na sina Kenzo at Nelvic.
 
Maagang nagsimula ang 20-anyos na si Kenzo na gumawa ng musika tampok ang mga alaala at karanasan niya noong teenager pa siya. Sinimulan naman ng Tokyo-based artist na maglabas ng kanta dalawang taon na ang nakakaraan. 
 
Samantala, lumaki naman si Nelvic sa Baguio kung saan aktibo siya sa music ministry ng isang simbahan. Nadiskubre siya sa isang streaming session sa kumu.
 
Mapapakinggan na ang kantang “Virgo” ni Kenzo at “If I Never Tried” ni Nelvic sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa detalye, sundan ang Old School Records sa FacebookTwitter, at Instagram.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE