News Releases

English | Tagalog

Erich, ibubulgar ang kabit ni Agot sa "La Vida Lena"

September 21, 2021 AT 03:35 PM

Magtago ka na! Babangungutin na yata sa takot si Vanessa (Agot Isidro) dahil sa pagbabanta ni Lena (Erich Gonzales) na isu-spluk nito ang tinatago nilang relasyon ni Conrad (Christian Vasquez) sa “La Vida Lena,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
 
Nadiskubre rin ni Lena ang katotohanang si Conrad ang tunay na ama ni Adrian (JC De Vera) at hindi ang asawa ni Vanessa na si Lucas (Raymond Bagatsing) pagkatapos niyang kumuha ng impormasyon tungkol sa mga ito sa pamamagitan ng hacking.
 
Lagot si Vanessa kapag nalaman ni Lucas ang mga sikreto niya lalo pa’t malapit nilang kaibigan si Conrad na lagi nilang naaasahan sa tuwing may problema ang kanilang pamilya.
 
Hindi lang pagsasama nina Lucas at Vanessa ang nakatakdang sirain ni Lena dahil maging si Miguel (Kit Thompson) ay gusto niyang ahasin mula kay Rachel (Sofia Andres). Nagsimula na ang panloloko ni Lena kay Rachel at patuloy itong papaniwalain na mayroong namamagitan sa kanila ng mister niya.
 
Bago pa nito, matagumpay na naloko ni Lena si Adrian na dinadala nito ang kanilang anak. Anong mga pakulo pa ang gagawin ni Lena para masindak at mapabagssak ang mga kaaway niya?
 
Subaybayan ang paghihiganti ni Lena sa “La Vida Lena” gabi-gabi, 10 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood ito sa TV5 at A2Z. Mapapanood din ang episodes nito sa iWantTFC at sa The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV para sa viewers sa labas ng Pilipinas.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.