News Releases

English | Tagalog

BGYO, anim na linggong nasa Top 15 ng Pandora Predictions Chart ng Billboard

September 24, 2021 AT 11:50 AM

Patuloy ang pag-angat sa international scene ng P-Pop group na BGYO matapos nilang mamayagpag sa Pandora Predictions Chart at Next Big Sound ng Billboard mula Agosto hanggang ngayong Setyembre.
 
Unang namayagpag ang grupo sa Pandora Predictions Chart matapos nilang makamit ang no.1 spot sa nasabing chart ilang araw bago nila nailabas ang comeback single na "The Baddest." Nanatili pa rin ang kanilang paghahari sumunod na linggo. Tumungtong naman sila sa ika-apat na spot sa pangatlong linggo at ikalabing-apat na spot sa pang-apat na linggo. Ngunit, pumanik naman sila ng apat na spot ngayong linggo at nasa ika-sampu na silang pwesto sa nasabing chart.
 
Pumasok din muli ang grupo sa Next Big Sound ng Billboard at nakamit ang no.1 spot sa magkasunod na linggo matapos magdebut sa ika-anim na spot noong Mayo. Bumaba naman sila sa ika-dalawang na spot noong pangatlong linggo; ika-apat na spot noong pang-apat na linggo; at sa kasalukuyan ay nasa 14th spot.
 
Kinikilala sa Pandora Predictions Chart ang artists ayon sa kanilang malaking potensyal na sumikat. Samantala, sa Next Big Sound Chart naman makikita ang pinakamabilis na sumikat na musical artists linggo linggo, base sa paglabas nito sa lahat ng kilalang social music sites ayon sa official page ng Pandora Predictions Chart.
 
Habang patuloy na nakikilala ang grupo sa ibang bansa, naghahanda na rin sila sa makasaysayang sibling concert kasama ang BINI na “One Dream: The BINI & BGYO Concert” na magaganap sa Nobyembre 6 at 7. Para sa mga gustong bumili ng SVIP tickets sa halagang P1950 o US39.99, pwedeng makasama ng fans ang parehas na grupo sa isang meet and greet at maari nilang mapanood ang dalawang shows samantala para naman sa VIP tickets na nagkakahalagang P1,490 o US$29.99 ay maari na nilang masilayan ang BGYO at BINI pati na ang surprise guests nito sa dalawang araw na concert.
 
Para sa karagdagang updates tungkol sa BGYO, sundan ang BGYO_ph sa Facebook, Twitter, at Instagram, at mag-subscribe na sa official YouTube channels nilang BGYO Official.