News Releases

English | Tagalog

Raymond napahiya, pinakulong ni Erich sa "La Vida Lena"

September 28, 2021 AT 02:01 PM

Nanggigigil sa galit at kahihiyan si Lukas (Raymond Bagatsing) matapos siyang magdusa ng isang gabi sa kulungan dahil kay Lena (Erich Gonzales) sa “La Vida Lena,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
 
Nakulong si Lukas dahil hindi siya pinayagang makapagpyansa pagkatapos siyang kasuhan ni Lena ng pananakit. Sinugod kasi ni Lukas si Lena sa bahay nito dahil sinuhulan niya ito ng milyon-milyong pisong halaga para lumayas paalis ng Salvacion. Naging marahas ang kinahantungan ng pagtatagpo nila dahil umabot sa puntong sinasakal na ni Lukas si Lena habang nasusunog ang bahay ng dalaga.

Kaya naman tuwang tuwa si Lena sa maituturing na sunod-sunod niyang tagumpay. Bukod sa pagkakakakulong ni Lukas, hawak na niya sa leeg si Vanessa (Agot Isidro) dahil alam niya ang sikreto nitong pakikiapid kay Conrad (Christian Vasquez). Nagkakalamat na rin ang relasyon nina Miguel at Rachel (Sofia Andres) dahil kumbinsido itong kabit ng mister niya si Lena.
 
Si Miguel din ang susunod na target ni Lena dahil susubukan niyang kunin ang simpatya nito pagkatapos ng lahat ng nangyari. Mabilog rin kaya niya ang utak ni Miguel?
 
Subaybayan ang paghihiganti ni Lena sa “La Vida Lena” gabi-gabi, 10 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood ito sa TV5 at A2Z. Mapapanood din ang episodes nito sa iWantTFC at sa The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV para sa viewers sa labas ng Pilipinas.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.