News Releases

English | Tagalog

“The Music Room” magniningning tampok ang musikang Pinoy

September 03, 2021 AT 10:56 AM

New platform for OPM artists unlocks in “The Music Room”

“The Music Room” will serve as a platform where multi-talented Filipino artists shine in intimate performances while they reveal heartwarming stories behind their music.

Angela Ken, Sheryn Regis, at iba pang Kapamilya singers bibida

Bibida sina Angela Ken, Kritiko, SAB, Nameless Kids, JMKO, Trisha Denise, FANA, at Sheryn Regis  sa “The Music Room,” na nakahanda nang maghatid ng natatanging musical experiences sa One Music PH at Star Music YouTube channels tuwing Martes simula sa September 7.

Handog ng ABS-CBN Music at ABS-CBN Events ang “The Music Room” na naglalayong maging platform para sa OPM artists na makapaghatid ng kanilang musika at maglahad ng kwento tungkol sa kanilang mga kanta.

Ang TikTok star at “Ako Naman Muna” hitmaker na si Angela Ken ang unang sasabak sa “The Music Room” sa Martes (September 7). Pinoy hip-hop naman ang ibibida ng rapper na si Kritiko sa September 14. Aawitin ni SAB ang ilang tracks mula sa kanyang debut EP na “Sunsets & Heavens” sa September 21 habang ang bandang Nameless Kids ay maghahatid ng kanilang musika sa September 28.

Tagos sa pusong performances naman ang dapat abangan mula kay JMKO sa October 5. Maririnig din ang magandang boses ng singer-songwriter na si Trisha Denise sa October 12. Handa na rin si FANA na magpakilala ng kanyang musika sa October 19. Magtatapos ang “The Music Room” kasama ang Crystal Voice of Asia na si Sheryn Regis handog ang kanyang mga bagong kanta sa October 26.  

Isang “Made For YouTube” exclusive ang “The Music Room” na bahagi ng bagong experiences sa ilalim ng “Kapamilya YOUniverse,” na naghahatid ng mga programa, musika, pelikula, at balita sa pinagsama-samang YouTube channels ng ABS-CBN na Star Cinema, Star Music, MOR Entertainment, ABS-CBN News, at ABS-CBN Entertainment.

Pakinggan ang musikang hatid ng ilan sa magagaling na OPM artists sa “The Music Room” sa One Music PH YouTube channel at Star Music YouTube channel tuwing Martes, 7 pm simula sa September 7. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter atInstagram (@StarMusicPH).