News Releases

English | Tagalog

Anak nina Yam at Gerald, manganganib sa kamay ni Gerald sa "Init sa Magdamag"

September 07, 2021 AT 10:38 AM

Sa huling linggo ng “Init sa Magdamag” ay masisira ang planong pagsisimula muli nina Tupe (Gerald Anderson) at Rita (Yam Concepcion) sa balak ni Peterson (JM de Guzman) na ilayo si baby Andrew sa kanila.  

 

Itinuro na ni Joko (Manuel Chua) si Peterson bilang mastermind sa pangugulpi nila kay Tupe at aksidenteng pagpatay nito sa ama ng doktor. Mas tumibay pa ang laban ni Tupe na maipakulong si Peterson nang lumantad na rin si Lab (Boom Labrusca) para sumuko at tumestigo. 

 

Hawak kasi ng lalaki ang video kung saan mapapanood ang pag-uusap nina Joko at Peterson matapos ang nangyaring aksidenteng pagpatay nila sa ama ni Tupe. Dahil sa ilalabas na ebidensiya, makakatulong rin ito para pumanig sa kampo ni Rita ang desisyon para sa kustodiya ng anak. 

 

Sa pagguho ng kanyang mga plano, determinado si Peterson na gawin ang lahat para makuha si baby Andrew mula kina Tupe at Rita sa dahilan na ito na lang daw ang meron siya – kasama ang pagnakaw sa sanggol. 

 

Mailigtas kaya nina Tupe at Rita ang anak mula kay Peterson? 

 

Panoorin ang huling buga ng “Init sa Magdamag” gabi-gabi, 9:20 sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Jeepney TV at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Sa labas ng bansa, ito ay mapapanood sa The Filipino Channel habang ang advance episodes nito ay nasa iWantTFC at WeTV iflix.  

  

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.