News Releases

English | Tagalog

Jeremy G, umaasang may magbabalik sa kantang "someday"

January 12, 2022 AT 11:20 AM

Jeremy G releases heart-tugging song "someday"

Jeremy's first composition is dedicated to those who are missing ‘their person’ and are hoping that ‘someday’ everything will be okay.

Dating “The Voice Teens” finalist, may alay para sa mga namimiss ang minamahal
 
Tila may matinding pananabik para sa minamahal ang versatile musical charmer na si Jeremy G ngayong Bagong Taon na nilalaman ng kanyang bagong kantang “someday.”
 
Ito rin ang unang komposisyon ng “The Voice Teens Philippines" season 1 finalist mula sa team ni Coach Sharon Cuneta na kumuha ng inspirasyon sa pagkamiss niya sa mga taong malalapit sa puso niya.
 
Ani Jeremy, “Sinulat ko ang ‘someday’ sa panahon na malayo sa akin ang mga pinamakamalapit na tao sa buhay ko.  Dahil sa pandemya, hindi natin nakakapiling ang mga mahal natin sa buhay.”
 
Kaya inaalay ng Kapamilya singer ang awitin para sa mga taong nangungulila sa kanilang minamahal at umaasang magiging maayos din ang lahat balang araw. Siya mismo ang nagprodyus nito kasama si Star Pop label head Rox Santos.  
 
Kasabay nito ang premiere ng music video sa ABS-CBN Star Music YouTube channel kung saan tampok si Magui Ford.

 
Pauna lamang ang “someday” sa mga proyekto ni Jeremy ngayong 2022 na nakatakda ring maglabas ng kanyang all-original extended play (EP). Bibida rin siya sa “Lyric and Beat,” isang ABS-CBN at iQiyi production, kasama sina Darren Espanto, Angela Ken, Seth Fedelin, Andrea Brillantes, Sheena Belarmino, at AC Bonifacio. Napapanood din siya sa kasalukuyan bilang mainstay ng “ASAP Natin ‘To.”
 
Pakinggan ang pinakabagong hugot song ni Jeremy na “someday” na available na ngayon sa iba’t ibang music streaming services. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at sa Twitter at Instagram (@starpopph).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE