News Releases

English | Tagalog

Markus, patuloy ang panggugulo kay Charlie sa "Viral Scandal"

January 14, 2022 AT 12:17 PM

Markus' obsession over Charlie continues in "Viral Scandal"

"Viral Scandal" airs weeknights at 9:20 p.m. on Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page, Jeepney TV, iWantTFC, WeTV, and iflix

Jake, planong hiwalayan si Maxene
 
Walang balak tumigil si Jigs (Markus Patterson) sa panggugulo at pangha-harass kay Rica (Charlie Dizon) kahit pa umuusad na ang kasong anti-voyeurism case laban sa kanila ni Archie (Vans Larena) sa "Viral Scandal."
 
Pagkatapos nga ng unang hearing, nagkatagpo sina Jigs at Rica sa clubhouse kung saan nakatakdang magpresent ang dalaga at Kyle (Joshua Garcia) sa kanilang kliyente. Ngunit bago pa makarating si Rica sa presentation, hinarang siya ni Jigs at muli siyang hinarass. Buti na lang nakita sila ni Kyle at agad na inilayo si Rica mula sa konsehal.
 
Dahil sa nangyari, nagsimula muling bangungutin si Rica tungkol kay Jigs. Sa kanyang panaginip ay nakapasok si Jigs sa kanyang kwarto at pagtatangkaan siya muli. Ang hindi niya alam ay sinusundan pa rin siya ni Jigs at mukhang hindi pa natitigil ang obsesyon nito sa kanya.
 
Samantala, desidido na si Troy (Jake Cuenca) na hiwalayan si Audrey (Maxene Magalona). Matapos ang huling komprontasyon nila mag-asawa at anak na si Raven (Kaila Estrada), naisip niyang tapusin na lang ang kanilang pagsasama.
 
Pumayag kaya si Audrey dito? Hanggang saan naman dadalhin si Jigs ng kanyang obsesyon kay Rica?
 
Subaybayan ang “Viral Scandal” gabi-gabi ng 9:20 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWantTFC, WeTV iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.