News Releases

English | Tagalog

Balikan ang dream champions biritan ngayong Linggo sa 'ASAP Natin 'To'

January 15, 2022 AT 11:05 AM

Relive dream champions act on 'ASAP Natin 'To' this Sunday

Don't miss this best-of-the-best treat from the country's longest-running musical variety show, "ASAP Natin 'To," this Sunday, 12 NN

Abangan ang ilan pang best-of-the-best kantahan at sayawan

Maki-party muli sa isa nanamang best-of-the-best afternoon party, tampok ang bigating biritan ng mga dream singing champion ng bansa, at ilan pang kapana-panabik na kantahan at sayawan mula sa paborito ninyong Kapamilya idols ngayong Linggo (Enero 16) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Balikan muli ang nakakaantig na dream performance ng singing champions na sina Kyla, Klarisse de Guzman, Jed Madela, Jason Dy, Reiven Umali, JM Yosures, Anthony Castillo, Sam Mangubat, vocal trio iDolls, at Asia's Songbird Regine Velasquez.

Itotodo naman ang best-of-the-best party sa trending diva-techno remix kantahan at sayawan mula kina Regine at ang inyong "ASAP Natin 'To" family, kasama sina Angeline Quinto, Nina, Janine Berdin, Maris Racal, Robi Domingo, Edward Barber, Joao Constancia, Sam Concepcion, BINI, at iba pa.

Hindi rin pahuhuli ang ilang sayawang kinagiliwan ninyo noon, tulad ng Star Magic hatawan nina ASAP dance royalty Kim Chiu kasama sina AC Bonifacio, Maymay Entrata, Donny Pangilinan, Amanda Zamora, Kurt Mendoza, at Quincy Villanueva; at ang nakaka-indak na pagsaludo sa mga overseas frontliner ng Kapamilya loveteams nina Donny at Belle Mariano, Ronnie Alonte at Loisa Andalio, pati nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes kasabay ang dancing nurses na sina Nelia Paris at Amy Miranda.

Abangan muli ang nakakakilig na P-Pop performance ng BGYO at ang pagkabog ni Maymay Entrata sa ASAP stage.

Pakatutukang muli ang ilang ASAP kantahang kinagiliwan niyo noon, tulad ng OPM hits biritan ng New Gen Birit Divas na sina Sheena Belarmino, Lara Maigue, Elha Nympha, at Gigi de Lana; new breed jamming session nina KD Estrada, Anji Salvacion, Angela Ken, at Diego Gutierrez kasama si KZ; pure energy kantahan at hatawan mula kina Gary Valenciano, Kyle Echarri, at Darren; at ang makabagbag damdaming collab nina Moira dela Torre at The Juans.

At huwag palampasing muli ang bonggang '80s biritan nina Zsa Zsa Padilla, Jed Madela, Erik Santos, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez sa "The Greatest Showdown."

Ito ang best-of-the-best party na hindi mo dapat ma-miss mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.  

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.