News Releases

English | Tagalog

Adventures sa pagmomotor nina Kyle at Sam, Star Cinema comedy movies mapapanood sa YouTube

January 24, 2022 AT 02:35 PM

Libreng mapapanood sa YouTube ng ABS-CBN Entertainment

Maki-road trip kasama sina Kyle Echarri at Sam Milby at tumawa kasama ang buong pamilya sa libreng online shows at blockbuster movies ng ABS-CBN sa YouTube ngayong Enero. 

Bagong ‘lodicakes’ ang makakasama ng sikat na motovlogger na si Jet Lee sa motorbike adventures niya sa online show na “Star Magic Likes Bikes.” Alamin kung bakit mahalaga kina Kyle at Renshi De Guzman ang pagmomotor, at ang mga payo ni Sam sa pag-aalaga ng motorsiklo sa Star Magic YouTube channel sa Enero 26. 

Maki-bonding naman sa celebrity parents na sina Nyoy Volante, Hasna Cabral, at Matt Evans kasama ang kanilang mga anak sa “Parent Experiment.” Sa tulong ng ekspertong mommy influencers at child psychologists, susubukan nila ang iba’t ibang tips para mapanatiling aktibo ang kanilang mga chikiting at turuan silang mag-ipon. 

Mababalik-balikan naman ang kumpletong episodes ng iba pang “Made for YouTube” shows na eksklusibong napapanood sa ABS-CBN YouTube tulad ng “IQ Ang Nagwagi,” “Hello World,” “Mashing Machine,” “It’s Showtime All Access,” “The Music Room,” at “Gold School.”

Hatid naman ng ABS-CBN Superview ang comedy films na mapapanood nang libre kasama ang buong pamilya. Magbibigay ng saya at katatawanan ang “Sisterakas,” “Here Comes The Bride,” “Supahpapalicious,” “Otso-Otso Pamela-Mela-Wan,” “Call Center Girl,” “My Illegal Wife,” “Da One That Ghost Away,” at “Ang Tanging Ina Mo (Last Na ‘To).”

Ang “Made for YouTube” shows na ito ay bahagi ng lumalaking “Kapamilya YOUniverse,” ang pagsasama-sama ng iba’t ibang YouTube channels ng ABS-CBN para maghatid ng entertainment, musika, pelikula, at balita. 

Mae-enjoy naman ang libreng movies sa ABS-CBN Superview kapag nag-subscribe sa YouTube channels ng ABS-CBN Entertainment, Star Cinema, at Cinema One.