News Releases

English | Tagalog

Debut album ni Gigi De Lana punong-puno ng hugot

January 28, 2022 AT 11:52 AM

Gigi De Lana's debut album an emotional roller coaster

Gigi De Lana's self-titled debut album has eight original tracks and two bonus tracks, the OST of "Viral Scandal" and "Hello Heart."

Key track na “O Bakit Ba” isang pakiusap na tigilan na ang pananakit
 
Iba’t ibang feels ang mararamdaman sa kakalunsad lang na debut album ng breakout star na si Gigi De Lana na isa sa mga Bagong Taong handog ng Star Music.
 
Hatid ni Gigi at ng Gigi Vibes band ang kwento ng pag-ibig, pagkabigo, at pagbangon sa walong original songs ng album at dalawang bonus tracks. 
 


“Sobrang andaming pinagdaanan. Andaming nangyari kung paano namin nacompose ang ang kanta, kung paano namin naprodyus ang mga kanta. Andaming ups and downs ng mga kanta namin na hindi namin akalain na eto na siya,” ani Gigi sa naging karanasan niya sa paggawa ng album. 
 
Pinangungunahan ito ng key track na “O Bakit Ba” na isinulat niya kasama si Erwin Lacsa at tungkol sa masakit at paulit-ulit na pang-iiwan at pagbabalik ng isang minamahal. Siya rin ang sumulat ng isa pang kanta sa album na pinamagatang “Letting Go,” katulong naman sina Jon Cruz at Erin Justo.
 


Syempre hindi mawawala sa album ang debut single ni Gigi at tinaguriang break-up anthem na “Sakalam” at ang official soundtrack ng “Viral Scandal” series ng ABS-CBN Entertainment na pinamagatang “Nasayo Ako.” Kabilang din dito ang remake niya ng “Bakit Nga Ba Mahal Kita” na siyang theme song ng kanyang pinagbibidahang serye na “Hello Heart” katambal si Gerald Anderson na kasalukuyang napapanood sa iQiyi.
 
Tampok din sa pop-rock album ang mga kantang “Bibitawan, “First Night,” “Topak,” “Isang Idlip,” at “Huling Lapit.” Si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang nagsilbing overall producer nito.
 
“Gusto namin ipakita sa mga tao na ibinabalik namin ang pop-rock. Eto ang message namin sa album na ito, na maging totoo kung sino ka,” kwento ni Gigi sa halaga ng album para sa kanya at sa kanyang banda.
 
Maituturing na isa sa fastest-rising stars ngayon, tuluyang sumikat si Gigi sa kanyang online gigs kasama ang The Gigi Vibes nang mag-viral ang cover niya ng “Bakit Nga Ba Mahal Kita.” Bumida rin ang RISE Artists Studio talent sa 1MX Dubai 2021 at sa “Gigi De Lana: Holiday Vibes” digital concert para sa YouTube Music Night noong Disyembre. 
 
Samahan si Gigi sa isang emotional rollercoaster ride na mararamdaman sa “Gigi De Lana” album na available na ngayon sa iba’t ibang music platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).