News Releases

English | Tagalog

"The Broken Marriage Vow" poster, puring puri ng netizens!

January 07, 2022 AT 10:31 PM

Pinag-usapan at pinaulanan ng papuri ng netizens ang official poster ng Kapamilya drama series na “The Broken Marriage Vow,” ang paparating na Philippine adaptation ng “Doctor Foster” na pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria at mapapanood na sa iba’t ibang platforms simula ngayong Enero 24.

Tinawag na “pang-international” ang naturang poster kung saan makikita ang mukha ni Jodi sa isang basag na salamin, habang may pulang hugis-rosas sa gitna kung saan nakalagay ang mukha nina Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, at Zaijian Jaranilla. Likha ito ng artist na si Justin Besana, ang nagdidisenyo rin ng mga poster ng digitally restored movies ng ABS-CBN Film Restoration.

Sabi ng Twitter user na si @ItsArveeDepuno, “Pak na pak ang official poster! Can't wait to watch TBMV!!” habang sabi ni Facebook user Bernie Ching, “Lakas maka-international ang poster.”

Ibinahagi naman ni @jcmdswiftae ang interpretasyon niya ng poster sa tweet niyang, “The shattered glass represents the vow that was broken and can never be fixed. The rose indicates a deep kind of love — intimate and strong but fragile and vulnerable to the pain that creeps in its thorns. I could go on and on but this poster is *chef’s kiss*”

Sabi ni @ilydimps kay Jodi, “Wah, grabe sa ilang months na pag-aantay!! Finally malapit na namen makilala si Dra. Jill Ilustre! We're so excited ate, sure na andami po nameng nakakaexcite na scene po dyan huhu. so proud of you so much.”

Ayon kay @znnydm, “Galing nung gumawa ng poster… At last hindi cheesy. That’s coming from a graphic designer.. So the person who created this should have a raise.”

Iikot ang kwento ng “The Broken Marriage Vow” kay Dra. Jill Ilustre (Jodi), na lalamunin ng kapraningan at galit sa oras na malaman niyang pinagtataksilan siya ng asawang si David (Zanjoe Marudo) at ng kabit nitong si Lexy (Sue Ramirez). Guguho ang mundo ni Jill dahil malalaman niyang niloloko din siya ng mga kaibigan nilang may alam tungkol sa pambababae ni David ngunit tinatago ito mula sa kanya. Masisira rin ang masayang pamilya nina Jill at David dahil lubos na maaapektuhan ang anak nilang si Gio (Zaijian Jaranilla).

Sina Concepcion Macatuno at Andoy Ranay ang mga direktor ng “The Broken Marriage Vow,” kung saan mapapanood din sina Jane Oineza, Angeli Bayani, Bianca Manalo, Ketchup Eusebio, Rachel Alejandro, Art Acuña, Empress Shuck, Joem Bascon, Brent Manalo, Malou Crisologo, Franco Laurel, Sandino Martin, Lao Rodriguez, Jet Gaitan, Jie Anne Armero, Migs Almendras, Avery Clyde, and JB Agustin, kasama ang special participation nina Susan Africa at Ronnie Lazaro.

Abangan ang pagsisimula ng “The Broken Marriage Vow” sa Enero 24, 8:40 PM sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page, iWantTFC, at TFC.