News Releases

English | Tagalog

BINI, magpapakalap ng "Feel Good" vibes sa Skydome

October 12, 2022 AT 10:34 AM

BINI, all set for "Feel Good" album showcase at Skydome

BINI members are ready to serve feel-good vibes in their album showcase at SM North EDSA Skydome on October 28.

Handa nang magpasaya sa *mga Blooms* sa darating Oktubre 28
 
Pagkatapos ilunsad ang kanilang trending comeback album, handa na ang BINI  na magdala ng feel-good vibes at mapalapit pa sa kanilang fans sa gaganapin na “Feel Good” Album Showcase sa SM City North Edsa Skydome sa Oktubre 28 (Biyernes), 6 pm.
 
Inaasahan na ibibida ng ‘nation’s girl group’ na kinabibilangan nina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena ang kanilang mga bagong kanta na kinasasabikan ng kanilang fans *na tinatawag na BLOOM na walang sawang sumusuporta sa kanilang musika.
 
Magsisilbing selebrasyon ng sophomore album ng BINI ang exciting musical showcase, at makakasama rin dito sina Benedix Ramos, Jonathan Andrews, at Maki para sa pre-show at si KD Estrada na magiging bahagi ng main show.
 
Maaaring mabili ang tickets ng “Feel Good” album showcase sa SM Tickets sa halagang P500 (regular), P1,200 (VIP), P1,800 (SVIP) na may kasamang physical copy ng album, poster, at entrance pass.
 
Samantala, humakot na agad ng 963,000 streams sa Spotify at nanguna rin sa iTunes PH album chart ang bagong “Feel Good” album ng BINI. Nasungkit naman ng key track nito na “Strings” ang number one sa iTunes PH song chart habang ang music video nito ay umabot na sa halos 300,000 views sa loob ng 12 araw.
 
Sa kabila ng mga tagumpay na nakamit ng BINI, ibinahagi nila na mahalaga pa rin ang manatiling mapagkumbaba at mapagpasalamat sa lahat ng suporta nilang natatanggap.
 
“Palagi namin pinaalalahan ang isa’t isa na maging mapagkumbaba. Kung ano man karangalan or proyekto ang dumating sa amin, lagi namin sinabi na dapat tayo maging mapagpasalamat imbis na makampante,” ani ni BINI Mikha sa panayam ng CinemaNews.
 
Kamakailan lang ay lumabas ang grupo sa iba’t ibang programa tulad ng “It’s Showtime,” “iWant ASAP,” at “MYX Hit Different”, at napanood din sa Wish Bus bilang bahagi ng kanilang media tour upang i-promote ang kanilang bagong album.
 
Nakatakda rin lumabas ang BINI sa "Mr. Music: The Hits of Jonathan Manalo" na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater sa Oktubre 15 kung saan ipagdiriwang ang ika-20 anibersaryo ng songwriter-producer na si Jonathan Manalo sa industriya.
 
Makisaya sa “BINI” sa “Feel Good” Album Showcase sa darating na Oktubre 28 (Biyernes), 6 pm sa SM City North EDSA Skydome. Sundan ang BINI_ph sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok, at mag-subscribe sa kanilang Youtube channel, BINI Official para sa updates.