News Releases

English | Tagalog

First Darna Iza Calzado, nag-landing muli sa "Darna" set

October 14, 2022 AT 05:13 PM

Nagbalik si Iza Calzado sa set ng “Mars Ravelo’s Darna” para bisitahin ang cast at crew ng serye. Nagdala pa ang aktres ng pagkain para maghatid ng saya sa kanyang co-stars at mga naging katrabaho nang gampanan niya ang tumatak na papel ng First Darna at ina ni Narda (Jane De Leon) na si Leonor Custodio. Abangan ang “Darna” Lunes hanggang Biyernes, 8 pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z, at TV5. Napapanood din ang seryeng hatid ng ABS-CBN sa ilalim ng JRB Creative Production sa iWantTFC at The Filipino Channel.