News Releases

English | Tagalog

Kapamilya stars, nakisaya sa MassKara Festival

October 25, 2022 AT 10:36 AM

Kapamilya stars grace Bacolod's MassKara Festival

Anji Salvacion, Charlie Dizon, Jameson Blake, and Maymay Entrata joined this year's colorful celebration of MassKara Festival.

Kasama sina Anji, Charlie, Jameson, at Maymay
Nakibahagi ang apat sa pinakamaiinit na ABS-CBN stars ngayon na sina Anji Salvacion, Charlie Dizon, Jameson Blake, at Maymay Entrata sa makulay na selebrasyon ng MassKara Festival sa Bacolod City sa pamamagitan ng isang bonggang Kapamilya mall show.
 
Naghatid ng iba’t ibang performances sina Anji, Charlie, at Jameson sa Robinsons Bacolod noong Sabado (Oktubre 22) para sa kauna-unahang regional event ng ABS-CBN simula noong nagkaroon ng pandemya na ginanap sa tinaguriang City of Smiles.
 
Opisyal na ring inilunsad ng ‘kabogera queen’ na si Maymay ang bago niyang kanta na “Puede Ba” sa ginanap na pagdiriwang para magdagdag saya sa month-long festival na nagbabalik pagkatapos ng dalawang taon tampok ang iba’t ibang musika, pagkain, sining, at parade.  
Bago ang mall show, nagkaroon din ng auditions ang ABS-CBN para sa season 6 ng singing competition na “Tawag ng Tanghalan” at ang bagong search para sa dance floor hotties ng “It’s Showtime” na “Girl on Fire.”
 
Pinangunahan ng ABS-CBN Regional at ABS-CBN Events ang ginanap na MassKara Festival Kapamilya Mall Show katulong ang A2Z Regional, Kapamilya Channel Regional, MOR Entertainment, at Star Pop. 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.