News Releases

English | Tagalog

Mga wagi sa Awit Awards, makikilala na sa Nob. 23

November 15, 2022 AT 11:42 AM

Awit Awards to name this year's winners on Nov. 23

Catch the live music fest curated by MYX at the Newport Performing Arts Theater!

Bibida ang OPM sa music fest na hatid ng MYX
 
Makisaya sa isang bonggang music festival na ipagdiriwang ang Awit Awards 2022, hatid ng Philippine Association of the Record Industry (PARI) at curated ng MYX Global na gaganapin sa Nobyembre 23 (Miyerkules) sa Newport Performing Arts Theater.
 
Pangungunahan nina MYX VJ Edward Barber at Samm Alvero ang inaabangang music awards na mapapanood nang live sa MYX Global FacebookYouTubeTwitter, kumuTikTok, at Instagram
 
Maghahatid naman ng musika sa inaabangang awards ceremony sina Paolo Sandejas, Sam Concepcion, Maymay Entrata, Alamat, Alex Bruce, Angela Ken, Janine Berdin, Jason Dhakal, Khimo Gumatay, Lola Amour, Hero, Zild, at iba pa.  
 
Mapapanood din sina AC Bonifacio, Alexa Ilacad, Andrea Brillantes, KD Estrada, Kaia, Vxon, Jeremy G, JC Alcantara, at iba pang kilalang personalities bilang award presenters. 
 
Isa sa pinaka-prestihiyosong music-award giving bodies sa bansa ang Awit Awards na nagbibigay pagkilala sa mga natatanging musika ng nagdaang taon. Ngayong 2022, nakipag-sanib pwersa ito sa MYX para sa isang bigating music festival na ipagdiriwang ang galing ng Pinoy artists.
 
Kikilalanin ang mga magwawagi sa maraming kategorya, kasama na ang Best Performance (Female, Male, at Group Recording Artist category), Song of the Year, Album of the Year, at Record of the Year.
 
Kabilang sa mga nominado ngayong taon sina Angela Ken, Ben&Ben, SB19, Zach Tabudlo, at Zild. Kinilala ang mga nominado sa ginanap na “PARI presents Awit Awards Nominees Fest curated by MYX” sa Venice Piazza noong Setyembre 23.
 


May pagkakataon din na makapanood nang live ang fans sa Newport Performing Arts Theater. Bisitahin ang https://myx.global/awit-awards at mag-register. 
 
Abangan ang “PARI presents AWIT Awards curated by MYX” sa darating na Nob. 23 (Miyerkules), 8 pm. Para sa iba pang detalye, sundan ang MYX Global sa Facebook, YouTube, Twitter, kumu, TikTok, at Instagram.