News Releases

English | Tagalog

"He's Into Her: The Movie Cut" ng DonBelle, ipapalabas sa Cinema One ngayong Nobyembre

November 03, 2022 AT 08:31 PM

DonBelle's "He's Into Her: The Movie Cut" premieres on Cinema One this November

"He's Into Her: The Movie Cut" premieres on Cinema One's Blockbuster Sunday on November 20.

Restored classics ng sikat na love teams at blockbuster movies ni Coco Martin ipapalabas din ngayong buwan
 
Ipapalabas na ang “He’s Into Her: The Movie Cut” na pinagbibidahan ng New Gen Phenomenal Love Team nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa Blockbuster Sunday ng Cinema One ngayong Nobyembre 20, 7pm.
 
Patungkol ang romantic-comedy movie sa kwento ng probinsiyanang si Maxpein (Belle Mariano) na napilitan pumasok sa Benison International School sa pakiusap ng kanyang ama. Makikilala ni Maxpein ang basketball varsity captain na si Deib (Donny Pangilinan) na magiging kaaway niya. Saksihan kung papaano magbabago ang kanilang aso’t pusang relasyon patungo sa hindi inaasahang pag-iibigan na hahadlangan ng mga problema sa pamilya at ng nakaraan.
 
Bitbit din ng Blockbuster Sunday ang hit movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na  “Can’t Help Falling in Love” na eere sa Nobyembre 6. Paka-abangan din ang mga dubbed na pelikula tulad ng “After the Ball” na pinagbibidahan nina Portia Doubleday at Chris Noth na ipapalabas sa Nobyembre 13 at ang tambalan nina Cha Tae-Hyun at Kim Yoo-Jung sa “Because I Love You” na ipapalabas naman sa Nobyembre 27.
 
Handog din ng Cinema One ang mga restored classics ng sikat na love teams na mapapanood tuwing Linggo, 9pm. Kiligin muli sa mga pelikula tulad ng “Hey Babe” nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin (Nob. 6), “Forevermore” nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa (Nob. 13), “Dahil Mahal na Mahal Kita” nina Claudine Barretto at Rico Yan (Nob. 20), at “Bakit ‘Di Totohanin” nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos (Nob. 27).
 
Makisamang mag-marathon ng mga sikat na pelikula ni Coco Martin tulad ng “Maybe This Time” (Nob. 7), “Beauty and the Bestie” (Nob. 8), “The Super Parental Guardians” (Nob. 9), “A Moment in Time” (Nob. 10), at “You’re My Boss” (Nob. 11) na ipapalabas sa Star Cinema Primetime ng Cinema One mula Lunes hanggang Biyernes tuwing 7pm. 
 
Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa Cignal ch. 45, SKYcable ch. 56, at iba pang local cable service providers. Para sa iba pang detalye, sundan ang Cinema One sa FacebookTwitterInstagramTiktok, at YouTube.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookTwitterTikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom