News Releases

English | Tagalog

Jem Macatuno, nagpapakilig sa love song na "EDSA"

November 03, 2022 AT 10:58 AM

Puno ng pag-ibig ang dating "PBB Otso" housemate na si Jem Macatuno sa bago niyang single na "EDSA." Tampok sa love song na prinodyus ni Star Pop label head Rox Santos ang kwento ng isang nagmamahal na handang maipit sa trapik sa EDSA basta’t kasama ang taong minamahal. Nakilala si Jem sa mga kantang "LDR," "Kung Akin Ang Mundo," at ang debut single niyang "Can't Get Out" na humakot na ng mahigit 20 million streams sa Spotify. Damhin ang kilig ng "EDSA" na napapakinggan na sa Spotify at iba pang digital platforms.