News Releases

English | Tagalog

Ate Vi, bibigyang-pugay ngayong Linggo sa 'ASAP Natin 'To'

November 05, 2022 AT 06:00 PM

'ASAP Natin 'To' celebrates the legacy of Vilma Santos this Sunday

In celebration of the birth month and upcoming 60th showbiz anniversary of the one-and-only Star for All Seasons, Vilma Santos, witness a grand musical spectacle from the finest ASAP singers

Abangan ang pa-birthday treat ni Moira at performances nina Regine, BGYO, at Sarah G

Talagang todo-bigay ang pagsalubong sa inyong November weekend, tampok muli ang iba't ibang world-class performances mula sa paborito ninyong Kapamilya stars ngayong Linggo (Nobyembre 6) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Bilang pagdiriwang sa kanyang birth month at sa papalapit niyang 60th showbiz anniversary, bibigyang-pugay sa ASAP stage ang nag-iisang Star for All Seasons na si Vilma Santos, tampok ang bigating musical tribute mula kina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez kasama sina Angeline Quinto, KZ, Jed Madela, Klarisse de Guzman, Khimo Gumatay, JM Yosures, Lara Maigue, Jolina Magdangal, Sheena Belarmino, Elha Nympha, Jason Dy, at Bituin Escalante pati ang premyadong musikero na si Homer Flores.

Tuloy-tuloy lang ang selebrasyon sa pa-birthday blowout ni Moira dela Torre, habang kaabang-abang din ang dream collab nina Regine at BGYO.

Samantala, bibirit ulit ngayong Linggo ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo, tampok ang kanyang bagong hit single sa "Sarah G Presents."

Maki-hataw rin sa bonggang dance hits bonanza nina Maymay Entrata, AC Bonifacio, Charlie Dizon, Chie Filomeno, Karina Bautista, Krystal Brimner, Vivoree, Kyle Echarri, Nyoy Volante, Jeremy G, Jameson Blake, Joao Constancia, Jin Macapagal, at ang buong "ASAP Natin 'To" family kasama si Robi Domingo.

Iinit muli ang ASAP stage sa matinding dance-off nina Darren at Enchong Dee kasabay ang Manoeuvres Ignite sa "Clash Dance."

Aarangkada rin ang iba pang bigating musical acts, tulad ng rockoustic jamming nina KD Estrada, Kice, at Bamboo, at ang Kitchie Nadal hits tapatan nina Klarisse at Yeng Constantino.

At pakatutukan ang bonggang ballad kantahan nina Concert King Martin Nievera kasama sina JM, Khimo, Elha, Laine, Reiven Umali, at Janine Berdin.

Lahat ng ito, tampok ngayong Linggo sa longest-running musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.