News Releases

English | Tagalog

Brian, nabuko ang lihim ni Narda

December 13, 2022 AT 01:31 PM

Brian finds out Narda's top secret in "Darna"

Darna and Valentina cosplayers make a cameo in the hit primetime series.

Darna at Valentina cosplayers at sculpture na gawa ng isang Pinoy artist, bumida sa serye
 
Alam na sa wakas ni Brian (Joshua Garcia) ang pinakatatagong lihim ni Narda (Jane De Leon) at ito nga ang nagdala sa kanila sa pag-ibig na inaasam-asam sa “Mars Ravelo’s Darna.”

 
Hindi napigilan ni Narda na mag-transform bilang Darna para mailigtas si Brian sa pagkamatay sa nangyaring insidente sa dalawa noong Lunes (Dis. 12). Napagtanto na ng magiting na pulis ang mabigat na responsibilidad ni Narda na siyang dahilan ng naunsyami nilang pag-iibigan noong una.
 
Paano naman kaya ito makakaapekto sa relasyon ni Narda sa kanyang pinakamatalik na kaibigan na si Regina/ Valentina (Janella Salvador) na sunod-sunod na ang pagpatay na ginagawa habang nagsisikap makilala kung sino ang nasa katauhan sa likod ni Darna?
 
Higit pang lumala ang galit ni Regina kay Darna pagkatapos niyang pumunta sa isang art exibit kung saan may eksena ang real-life fans ng serye at Darna at Valentina cosplayers na sina Jay Cayabyab at Andy Crocker na pinakitang wagi si Darna kay Valentina.
 
Tumindi pa ang inis niya nang makita ang isang sculpture na nagpapakita rin na si Darna ang panalo laban kay Valentina. Gawa naman ito ng Pinoy artist na si Jef Ablea.
 
Sa tulong ni Ding (Zaijian Jaranilla), patuloy rin si Narda sa paghahanap ng tao sa likod ni Valentina. Magtagumpay na kaya siya ngayon o mananatili siyang bulag dahil sa kanilang pagkakaibigan?
 
Samantala, mas pinalakas na Extra ang umaaligid sa Nueva Esperanza ngayon na meron nang superpowers sina Andrei (Young JV) at Noah (Paolo Gumabao) na parehong puno ng galit dahil sa kanilang kinahinatnan.
 
Huwag palampasin ang mga exciting na kaganapan sa “Darna,” Lunes hanggang Biyernes, 8 pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z, at TV5. Available rin ang ABS-CBN series na prinodyus ng JRB Creative Production sa iWantTFC at TFC. Para sa iba pang impormasyon, sundan ang JRB Creative Production sa Facebook at Twitter (@JRBcreativeprod) at sa Instagram (@JRBcreativeproduction).
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.