News Releases

English | Tagalog

KD at Alexa magpapakilig sa kanilang "Closer" fancon

February 22, 2022 AT 03:08 PM

KD and Alexa get up close and personal with fans in "Closer"

"Closer: The KDLex FanCon" is happening this Saturday (Feb. 26) at 8 pm via KTX and SKY Pay-Per-View.

#KDLex fandom magsasama-sama sa unang #KDLex fancon!
 
Handa na ang most promising love team na kinabibilangan nina Alexa Ilacad at KD Estrada na makasama at mapaligaya ang kanilang fans sa “Closer: The KDLex FanCon” na mapapanood na ngayong Sabado (February 26), 8 pm sa KTX.ph at SKY Pay-Per-View.
 
Mula sa kanilang pagkakaibigang nabuo sa “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10” Celebrity Edition, maghahatid ang KDLex ng kilig, musika, at saya sa inaabangang fan convention na handog ng ABS-CBN Events at kumu.
  
Para kay Alexa, raw at mala-acoustic session ang magaganap na event. “Kakantahin namin ang songs na ginawa namin sa loob ng PBB house, songs we know our sweethearts love so much,” ani Alexa. We want our concert to be as raw as possible kasi minahal kami ng tao dahil sa reality show, nakita nila kung sino talaga kami. Gusto namin na maging super comfortable at laidback ang show na mala-jamming session.”
 
Bukod sa kanilang mga pinaghandaang song numbers, marami pang dapat abangan sa eksklusibong event na gaganapin kasabay ng kaarawan ni Alexa. Ani KD, “There are gonna be some surprises talaga.”
 
Si Robi Domingo ang magsisilbing host ng fancon at makakasama rin dito ang dating housemate ng KDLex na si Shanaia Gomez bilang special guest. 
 
Mabibili pa rin ang regular tickets para sa “Closer” sa ktx.ph sa halagang P199 habang sold out agad sa loob ng isang oras mula release ang SVIP at VIP tickets para dito. Pwede ring mapanood ang event sa SKY Pay-Per-View.

 
Noong Biyernes, nagsanib-pwersa ang KDLex para sa dalawang bagong kanta na “Misteryo” at “When I See You Again” mula sa Star Pop label ng ABS-CBN. Si Alexa mismo ang sumulat ng “Misteryo” na may karagdagang lyrics mula kay Eunice Jorge na siyang nag-areglo at nagprodyus ng awitin. Sina Alexa at KD naman ang sumulat ng “When I See You Again” na prinodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.

 
Mapalapit kina KD at Alexa sa “Closer: KDLex FanCon” ngayong Sabado (February 26), 8 pm sa KTX o SKY Pay-Per-View.  Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom