News Releases

English | Tagalog

Gin, Isabel, Kathleen, Roque, at Zach possibleng ma-evict sa "PBB Kumunity"

February 25, 2022 AT 06:22 PM

Gin, Isabel, Kathleen, Roque, and Zach face possible eviction in "PBB Kumunity"

After going through a nerve-wracking face-to-face nomination and a shocking ‘ligtask challenge,’ five adult housemates emerged as the final nominees for this week’s eviction in “PBB Kumunity Season 10” Adult Edition.

Magkapatid na Basti at Jaye, sabay lumabas sa ‘PBB’  
 

Matapos sumabak sa harapang nominasyon at ‘ligtask challenge,’ limang adult housemates ang napabilang sa opisyal na listahan ng mga nominado sa  “PBB Kumunity Season 10” Adult Edition. 

 

Sina Gin Regidor, Isabel Laohoo, Kathleen Agir, Roque Coting, at Zach Guerrero ang mga nalagay sa alanganin matapos silang mabigo sa ginawang ‘ligtask challenge,’ habang nagtagumpay naman sina Laziz Rustamov at Michael Ver Comaling na maligtas ang mga sarili.  

   

Samantala, nauna namang magpaalam noong Sabado (Pebrero 19) sa “PBB” sina Basti at Jaye Macaraan. Nakakuha ang magkapatid mula Italy ng 10.07% at 2% na combined scores ng vote to save at evict, habang niligtas naman ng outside world sina Zach (16.88%), Kathleen (12.53%), at Gin (11.37%).  

  

Nabalot din ng kalungkutan ang bahay ni Kuya dahil bigo ang adult housemates sa kanilang weekly task na maging drag queens. Nakamit nila ang 95% na score mula sa judges, pero 23.37% lang ang nakuha nilang score mula sa Kumunity kaya 69.8% lamang ang kanilang total score.  

  

Gayunpaman, naging ‘pasavogue’ naman ang performances ng dalawang grupo sa kanilang choreography ng awiting “Amakabogera” ng “PBB”  Season 7 Big Winner na si Maymay Entrata.  

  

Kinilig din ang viewers dahil sa pag-amin ni Seham Daghlas na crush niya si Zach. Nagulat naman ang binata sa pagiging tapat ni Seham.  

  

“Nakakatuwa na there’s someone here inside na nagsabi, na naglakas ng loob, brave na kayang sabihin ‘yung mga ganoong salita,” giit ni Zach kay Kuya. 

 

Pero mukhang nagbago na ang ihip ng hangin dahil napag-usapan nina Michael Ver at Seham na hinahangaan nila ang isa’t isa.    

  

Ano pa kayang plot twist ang mangyayari? Tutok lang sa “PBB Kumunity Season 10” Adult Edition sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing 5:45 pm mula Lunes hanggang Biyernes at ang replay nito tuwing 11:10 pm ng gabi. Eere naman ito tuwing 7 pm kada Sabado at Linggo. Samantala, mapapanood ang 24/7 livestream ng “PBB Kumunity” sa Kumu. Simula Lunes (Pebrero 28) hanggang Biyernes (Marso 4), magiging host din ng "Kumunity G sa Gabi" ang ex-celebrity housemate na si Samantha Bernardo.

     

Abangan din sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Enchong Dee, at Melai Cantiveros sa “Kumulitan” sa Kumu tuwing 5:30 pm. Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.