News Releases

English | Tagalog

Gigi De Lana at Gigi Vibes band, handa na para sa "DOMINATION" concert sa Resorts World Manila

March 01, 2022 AT 04:29 PM

Gigi De Lana and The Gigi Vibes, ready for "DOMINATION" concert at Resorts World Manila

"Domination" will also have a Middle East tour this March and a special streaming on KTX on April 23.

Maghahatid din ng good vibes sa Dubai, Abu Dhabi, at Bahrain

Sisimulan na ni Gigi De Lana at ng The Gigi Vibes band ang kanilang “Domination” tour sa kauna-unahang physical concert ng ABS-CBN Events sa loob ng dalawang taon sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila ngayong Sabado (March 5), 8 pm.

Susundan naman ito ng kanilang Middle East tour na nakatakdang ganapin sa Jubilee stage sa Expo 2020 sa Dubai sa March 12 (Sabado) katulong ang DTI, sa National Theatre of Abu Dhabi sa March 18 (Biyernes), at sa Crowne Plaza Bahrain sa March 25 (Biyernes) katulong ang Filipino Club Bahrain.

Magkakaroon din ng special streaming sa KTX.ph ang “Domination” sa darating na April 23 (Sabado) tampok ang Manila concert at ilang eksena mula sa Middle East tour.

Excited na si Gigi na kumanta sa harap ng live audience para sa kanyang unang major concert. Aniya, “Nilu-look forward ko yung feeling na makakantahan mo ang mga tao, yung matitignan mo sila sa mata nila, na makkwentuhan mo sila habang kumakanta ka. Yun ang best feeling kapag kumakanta ako.” 

Kinwento rin ng new gen pop rock diva na aawitin niya nang live ang mga kanta mula sa kanyang album sa kauna-unahang pagkakataon para maghatid ng good vibes sa kanilang fans. “Gusto naming magdominate ng good vibes sa buong mundo,” ani Gigi. 

Makakasama ni Gigi at ng Gigi Vibes band si Jed Madela bilang special guest.

Pagkatapos maging viral sensation noong 2021, tuloy-tuloy na nga ang karera ni Gigi na kamakailan lang ay naglunsad ng kanyang self-titled debut album tampok ang hit song na “Sakalam.” Siya rin ang nagbigay-buhay sa “Nasa’yo Ako” na official soundtrack ng “Viral Scandal” at “Bakit Nga Ba Mahal Kita” na OST naman ng “Hello Heart.”

Mabibili pa rin ang “Domination” tickets para sa Newport Performing Arts Theater sa Ticketworld sa halagang P8,000 (platinum), P7,000 (SVIP), P6,000 (VIP), P5,000 (gold), P3,500 (silver), at P1,500 (bronze). Samantala, mapapanood ito sa April 23 sa KTX.ph sa halagang P695 (SVIP), P495 (VIP), at P195 (regular).

Panoorin ang “Gigi De Lana and The Gigi Vibes: Domination” concert ngayong Sabado (March 5), 8 pm sa Newport Performing Arts Theater. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.