News Releases

English | Tagalog

Andrea, may birthday pasabog ngayong Linggo sa 'ASAP Natin 'To'

March 11, 2022 AT 05:18 PM

Andrea Brillantes sizzles with birthday performance on 'ASAP Natin 'To'

Feel the sizzle as Andrea scorches the ASAP dance floor with her birthday performance together with Xyriel Manabat

Abangan din ang all-star kantahan at sayawan mula sa paborito ninyong Star Magic artists
 
Mas iinit ang inyong summer weekend dahil sa mga inihandang world-class treat ng inyong paboritong Kapamilya stars, tulad ng birthday hatawan mula kay Andrea Brillantes, all-star kantahan at sayawan mula sa Star Magic artists, at marami pang iba ngayong Linggo (Marso 13) sa "ASAP Natin 'To" on Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
 
Talagang magbabaga ang dance floor sa inihandang birthday blowout ni Andrea kasama si Xyriel Manabat ang ang buong pwersa ng G-Force.
 
Hindi rin pahuhuli ang paborito ninyong Star Magic artists, tulad nina AC Bonifacio, Darren, Enchong Dee, Elmo at Maxene Magalona, Janine Berdin, Seth Fedelin, Aljon Mendoza, Jimboy Martin, Kei Kurosawa, Kurt Mendoza, Drey Brown, Quincy Villanueva, Jamina Cruz, Reign Parani, Jelay Pilones, at Valentino Jaafar sa hatid nilang all-star kantahan at hatawan sa "Star Magic Presents."
 
Tuloy-tuloy ang party sa classic boy-and-girl group hits performance nina Francine Diaz, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Karina Bautista, Krystal Brimner, Nyoy Volante, Lara Maigue, Elha Nympha, BGYO, at ang buong "ASAP Natin 'To" family. Makiki-party rin ngayong Linggo sina Janine Gutierrez at Robi Domingo habang may special appearance pa mula sa P-Pop group na Alamat.
 
Mas iinit pa ang ASAP stage sa matinding dance showdown nina Maris Racal, Chie Filomeno, at ASAP dance royalty Kim Chiu. Damhin naman ang senti vibes sa sessionistas performance nina Anji Salvacion, Benedix Ramos, Jordan Andrews, Diego Gutierrez, Jeremy G, at Angela Ken kasama ang acoustic icons na sina Ice Seguerra, Yeng Constantino, Nina, at Moira dela Torre.
 
Good vibes naman ang hatid ng duet ng breakout loveteam nina KD Estrada at Alexa Ilacad, at maki-birit na rin kasama ang New Gen Birit Singers na sina Janine Berdin, Reiven Umali, Sheena Belarmino, at JM Yosures.
 
At abangan ang timeless OPM kantahan nina Gary Valenciano, Jed Madela, Zsa Zsa Padilla, Kyla, Erik Santos, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez sa "The Greatest Showdown."
 
Ito ang nag-iinit na summer party na hindi mo dapat palampasin mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
 
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.