News Releases

English | Tagalog

Charlie, nahirapan sa love distance relationship sa "MMK"

March 29, 2022 AT 07:14 PM

Bibida sa “MMK” ang MMFF Best Actress na si Charlie Dizon bilang isang OFW na nakaranas ng hirap sa long distance relationship sa gitna ng pandemiyasa Abril 23.

 

May halong galak at kaba ang"Viral Scandal" starsa pagkakataong gumanap sa buhay ng isang letter sender sa "MMK."Aniya, "Sa totoo lang nakaka-pressure rin kasi syempre gusto ko maipakita rin yung character noong totoong tao. As much as possible yung close talaga sa nangyari sa kanya. Syempre hindi naman natin nakita yung totoong nangyari doon sa mismong sitwasyon."

 

Buti na lang ay nakausap niya ang letter sender kaya naman mas napadali ang kanyang preparasyon. Kwento ni Charlie, "Mas lumalim yung pagkaintindi ko sa character niya bilang tao kung ano yung pinanghuhugutan niya. Nanghingi rin ako ng tips sa kanya kung ano yung gusto niyang makita sa akin. For me mahalaga yun kasi totoong buhay yung ipinapakita mo. Hindi lang siya basta yung isinulat or inimagine ng iba."

 

Sa episode, isang OFW na nurse si Raquel (Charlie) na takot ng buksan ang puso matapos ang kanyang huling relasyon. Ngunit magbabago ang lahat nang makilala niya si Ralph (Kiko) sa social media. Unti-unting natibag ni Ralph ang pader sa pagitan nilang dalawa nang ipakita niya kay Raquel pati na sa magulang nito na maayos ang kanyang intensyon. Naging maayos naman ang kanilang relasyon at nagpaplano na rin magpakasal nang naabutan sila ng pandemiya. Alamin kung paano nakaapekto ang pandemiya sa kanilang relasyon sa Abril 23.

 

Ngayong Sabado (Abril 2) naman, bibigyang buhay nina HeroAngeles, MarloMortel, at SkyQuizonang kwento ng Villadarez brothers na naulila ng maaga. Muntik na magkahiwalay ang tatlo matapos unang maisipan ng kanilang mga kamag-anak na hatiin sila. Swerte na lang nila at kinupkop sila ng strikto nilang lola na si Dining (Peewee O Hara) kaya naman hindi natuloy ang kanilang paghihiwalay. Sa pagdaan ng panahon, alamin kung paano nilang sinikap mamuhay ng sama sama at pangalagaan din ang kanilang lola.

 

Labis ang pasasalamat ni Sky sa pamilya at kaibigan sa pagkapanalo niya sa contest ng Star Magic at "MMK" na "Cast A Star" na nagdala sa kanya para bumida sa nasabing episode 

 

"Kasi di ba kapag nag-MMK ka, artista ka na. Mapapakita mo yung kagalingan mo in an anthology. Makakapagbigay buhay ka sa storya ng totoong tao.Feeling ko sobrang swerte at blessed ako makasama sa episode na 'to," sabi niya.


Balik acting din ito para kay Marlo. Aniya, " Sa loob ng dalawang taon, tingin ko ang dami kong natutunan. Itong learnings na ito at yung growth ko sa buhay ko ay makakatulong sa akin para mas maging magaling na aktor."

 

Pwede naman mapanood muli ng Kapamilya angstorya ng pagsisikap ni Ryan na ginampanan ni Zanjoe Marudo upang matupad ang pangarap niyang maging guro at makatulong sa kanyang komunidad sa Abril 9 (Sabado). Sa darating naman na Black Saturday (Abril 16), kwento naman ng isang anak na hindi sumuko sa pagmamahal at paghahanap ng kanyang ama ang matutunghayan muli ng viewers kung saan bumida sina Maris Racal at Cris Villanueva.

 

Balikan din ang "MMK" episode nina Sylvia Sanchez at Christopher de Leon tunkol isang pamilya na nagulo ang buhay nang ma-kidnap ang padre de pamilya nila na si Alan (Christopher) at dinala sa Basilan. Samahan ang pamilya kung paano nila naibalik ang ama at kung paano ito nakatulong para mas maging malapit sila sa isa't isa sa darating na Abril 30 (Sabado).

 

Panoorin ang “MMK” sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.