News Releases

English | Tagalog

Jodi, ibinulgar ang panloloko nina Zanjoe at Sue sa "The Broken Marriage Vow"

March 09, 2022 AT 09:37 AM

Jodi drops bomb on Zanjoe and Sue's affair in "The Broken Marriage Vow"

The secret is out! All hell broke loose in the most-awaited confrontation dinner scene in “The Broken Marriage Vow."

Sue, binatukan si Jodi! Top 3 trending sa Twitter

Pasabog ang mga rebelasyon ni Jill (Jodi Sta. Maria)! Naganap na ang pinaka-inaabangang eskandalong kumprontasyon sa “The Broken Marriage Vow” pagkatapos ibulgar ni Jill ang panloloko ng asawa niyang si David (Zanjoe Marudo) kasama ang mas batang kabit nitong si Lexy (Sue Ramirez).

Wala nang makakapigil sa paghihiganti ni Jill dahil isa-isang niyang isiniwalat ang mga sikreto nina David at Lexy. Sa harapan mismo ng mga magulang ni Lexy, ini-spluk ni Jill na dalawang taon na ang relasyon nina David at Lexy at nagkaanak sila ngunit sikreto itong ipinalaglag ng dalaga. 

Mainit na pinag-usapan sa social media ang naturang eksena pagkatapos itong pumasok sa top three trending topics sa Twitter Philippines.

"This is more than a promising moment for The Broken Marriage Vow. what an outstanding scene! so wow! Jodi's acting is superb... she proves to everyone that she is the new drama queen of primetime #TBMVPasabogReveal," ani @adore_kc sa Twitter.

"Nung inannounce palang itong adaptation na 'to, this is the scene that I've been waiting for. And ABS-CBN didn't disappoint. Ang galing," sabi ni @luvPATE.

"Grabeeee ang intense ng episode na 'to. Never imagined that ABS-CBN would make a superb adaptation of Doctor Foster. I have no words but perfection!," ayon kay @KingCeasarXIX.

Bago pa nito, aligaga na sina David at Lexy dahil sa paninidak ni Jill. Tuluyan namang nagwala si Lexy at binatukan si Jill habang dismayado at hindi makapaniwala ang mga magulang ni Lexy sa matitinding rebelasyon. 

Paninindigan naman ni Lexy ang pagmamahalan nila ni David, lalo na’t inamin na niyang hindi niya ipinalaglag ang baby nila at hanggang ngayon ay buntis pa siya. Nanaig na rin ang pagtataksil ni David dahil tuluyan na niyang tinalikuran si Jill at piniling umuwi sa piling ni Lexy. 

Kahit durog na durog ang puso ni Jill, umpisa pa lang ito ng kanyang paghihiganti sa panlolokong ginawa sa kanya. Nangako si Jill sa kanyang sarili na hindi na siya magpapaapi sa kahit kanino. Ano ang mga binabalak ni Jill laban kina David at Lexy? Paano ipapaliwanag ni David sa kanyang anak na si Gio (Zaijian Jaranilla) ang pagtataksil niya?

Bukod sa iWantTFC at Viu, nasusubaybayan ang “The Broken Marriage Vow” mula Lunes hanggang Biyernes, 8:40 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood ito sa TV5 at A2Z. Mapapanood din sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV ang “The Broken Marriage Vow.”

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.