News Releases

English | Tagalog

Zanjoe at Sue, nambulabog sa "The Broken Marriage Vow"

April 01, 2022 AT 03:46 PM

Nakatakdang gumawa ng panibagong gulo sina David (Zanjoe Marudo) at Lexy (Sue Ramirez) matapos nilang ideklara ang kanilang pagbabalik sa Baguio sa “The Broken Marriage Vow,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. Guguluhin nina David at Lexy ang tahimik na pamumuhay ng dating pamilya ni David na sina Jill (Jodi Sta. Maria) at Gio (Zaijian Jaranilla) dahil ipagmamayabang nila ang kanilang yaman at mansyon sa isang engrandeng housewarming party. 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE