News Releases

English | Tagalog

Pag-ibig, pagtataksil, at pinoy fashion, patuloy sa bagong season ng “The Broken Marriage Vow”

April 21, 2022 AT 05:15 PM

Ibinahagi ng “The Broken Marriage Vow” lead stars na sina Jodi Sta. Maria (Jill), Zanjoe Marudo (David), at Sue Ramirez (Lexy) ang ilang kwento tungkol sa kani-kaniyang karakter sa digital cover story ng Metro.Style na pinamagatang “Celebrating Filipino Artistry with ‘The Broken Marriage Vow.’” Ngayong nasa season 2 na ang programa, patuloy itong umaani ng papuri hindi lang sa bigating performances ng cast kungdi pati na rin sa Pinoy elements na nakikita sa costume design, set design, at kwento nito. Napapanood ang “The Broken Marriage Vow” Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Channel, A2Z, Jeepney TV, at TV5.