News Releases

English | Tagalog

“The Broken Playlist” concert ibibida ang musika ng “The Broken Marriage Vow”

April 27, 2022 AT 02:47 PM

Jodi, Sue, Zaijian, at Zanjoe makakasama ng fans sa afterparty!
 
Handa na sina Angeline Quinto, Fana, Gigi De Lana, Jona, Kyla, at Morissette na ipadama ang mapanakit na emosyon ng hit drama series na “The Broken Marriage Vow” sa paparating na “The Broken Playlist” concert ngayong Biyernes (April 29), 8 pm sa ktx.ph.
 
Nagsanib-pwersa ang Dreamscape Entertainment at ABS-CBN Events para sa “The Broken Playlist” na isang espesyal na selebrasyon ng pinaka-pinag-uusapang teleserye ng ABS-CBN Entertainment dahil sa pag-ibig, pagtataksil, at paghihiganting hatid ng kwento nito.
 
Aabangan dito ang performances ng kumpletong soundtrack ng programa kasama na ang “Walang Pagsisisi” ni Angeline, “Tinatapos Ko Na” ni Jona, “Init Sa Lamig” ni Kyla, at “Gusto Ko Nang Bumitaw” ni Morissette. Aawitin din nina Gigi at Fana ang kani-kaniyang bersyon nila ng “Sa Dulo.”
 
Nagpapasalamat si Jona na maririnig sa “The Broken Playlist” concert ang kanta niya. Aniya, “Sobrang grateful ako kasi itong song na ‘Tinatapos Ko Na’ galing sa Himig Handog 2018 tapos naging theme song siya ng Philippine airing ng ‘The World of A Married Couple.’ Sobrang masaya sa pakiramdam na nakasama na rin ito ngayon sa ‘The Broken Marriage Vow’ kasi nakakadagdag sa emosyon at gigil ‘yung theme songs ng programa.”
 
Samantala, makakasama rin ng VIP ticketholders ang mga bida ng “The Broken Marriage Vow” na sina Jodi Sta. Maria, Sue Ramirez, Zaijian Jaranilla, at Zanjoe Marudo sa afterparty ng concert.
 
Ayon kay Jodi, dapat abangan sa concert ang ilang behind-the-scenes exclusives ng “The Broken Marriage Vow.” Saad niya, “Bukod sa performances ng ating mga singers, mapapanood din dito ang never-before-seen footages at ang isa pang exciting part ay makaka-mingle nila ang cast at performers sa afterparty!”
 
Mabibili pa rin ang tickets para sa concert sa ktx.ph sa halagang P499 para sa VIP access—kasama ang concert link at Zoom afterparty access—at P199 para sa regular access sa concert.
 
Abangan ang “The Broken Playlist: The Broken Marriage Vow Digital Concert” ngayong Biyernes (April 29), 8 pm sa ktx.ph.
 
Para sa ibang ABS-CBN updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE