News Releases

English | Tagalog

"2 Good 2 Be True" number 1 TV show sa Netflix Philippines

May 17, 2022 AT 05:46 PM

Nasungkit agad ng comeback teleserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na "2 Good 2 Be True" ang No.1 spot sa listahan ng most watched series ng Netflix Philippines.

Sobrang pasasalamat syempre kasi ang tagal natin itong trinabaho tapos para makita mo yung reaction ng tao na natanggap nila ng buong-buo,"ani ni Kathryn sa gap show ng serye sa Kapamilya Online Live sa YouTube.
 

Inantabayanan din ng viewers ang pag-ere nito ng pilot episode sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, Jeepney TV, at Cinemo noong Lunes (mayo 16) kung saantumabo ang episode ng 130,000 concurrent viewers sa YouTube channel ng ABS-CBN.

 

Samu't saring emosyon ang naramdaman ng publiko sa unang episode kung paano nalusutan at nagtagumpay si Eloy (Daniel) at ang kanyang barkada sa plinano nilang pagnakaw ng pera sa may-ari ng hotel na nakabangga kay Mang Ben (Earl Ignacio). Ngunit sa kasamaang palad, naalala ni Ali (Kath) ang amoy ni Eloy ng ilang beses sila nagkabangga sa hotel kung saan sinamahan niya ang kanyang pasyente.

 

Alamin sa susunod na episodes kung makahanap kaya si Ali ng ebidensya para makatulong sa pulis sa paghuli kay Eloy. Ano naman kaya ang gagawing hakbang ni Eloy para patigilin ang pag-iimbestiga ni Ali?

 

Umani rin ng magagandang papuri mula sa netizens ang palabas sa maganda nitong cinematography at nakaka-aliw na eksena ng KathNiel at iba pa nitong cast members.

 

Tweet ni @mrandmrsford, "Yung kailangan ko ulitin mga episode kasi nauuna ung kilig ko kaysa sa intindihin ung story. team kilig."

 

"Now watching #2Good2BeTrue shocks umpisa pa lang ang ganda na parang movie," saad ni @alexagail_.

 

Sabi ni @btrzkji, "Ang ganda kasi ng pagkakabuo ng 2 Good 2 Be True nila Kathryn and Daniel. It was worth the wait for us, fans. Sobrang quality ng bawat episode na nilalabas so aabangan mo talaga. Congratulations sa buong team ng 2G2BT! #2GoodAtFirstSight. "

 

Patuloy na napapanood ang advance episodes ng "2 Good 2 Be True" sa Netflix at iWantTFC. Maari rin subaybayan ito Lunes hanggang Biyernes, 8:40PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, Jeepney TV, at Cinemo.