News Releases

English | Tagalog

Jonathan Manalo, handog ang musika para sa “Ugoy” exhibit sa Intramuros

May 18, 2022 AT 11:31 AM

Mas pinaigting ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang karanasan sa “Ugoy” art installation gamit ang binuo niyang musical score. Pinangungunahan ng missionary visual artist na si Kristine Lim ang nasabing exhibit tampok ang 18 pugad ng duyan na sumisimbolo sa 18 rehiyon ng Pilipinas at nagbibigay-pugay sa mga ina at sa inang bayan. Makikita ito sa Fort Santiago, Intramuros, Manila hanggang Mayo 31.