News Releases

English | Tagalog

Int'l events at shows ng Red Bull, mapapanood na sa iWantTFC

May 05, 2022 AT 02:56 PM

iWantTFC partners with Red Bull to stream int'l content to Filipino audience

A first in the Philippines, this partnership will bring the world of Red Bull closer to the local Filipino audience via iWantTFC, in a collaborative effort to offer curated premium content - a mix of sports, dance, and lifestyle from groundbreaking projects representing the very best of Red Bull.

Mapapanood na ng iWantTFC subscribers sa Pilipinas ang iba’t ibang international sporting events at lifestyle shows matapos ang kasunduan ng iWantTFC at Red Bull para ihatid ang mga ito nang live at on-demand sa streaming platform ng ABS-CBN.

Ipapalabas sa iWantTFC ang ilan sa mga pinakainaabangang sporting matches ng Red Bull para sa motorsports, dance, watersports, at pati na rin ang mga kapanapanabik na lifestyle shows. 

Isang matinding kumpetisyon ang nag-aantay sa mga motorsports fans dahil mapapanood na simula Mayo 8 ang Drift Masters European Championship at pwede ring balikan ang kwento sa likod ng tagumpay ng Formula One racer na si Carlos Sainz sa “Road to 55.”

Ipapalabas din sa iWantTFC ang Red Bull BC One World Finals, na gaganapin sa Nobyembre 12, kung saan magtatagisan ang pinakamagagaling na dancers sa buong mundo. Alamin naman ang kwento ng Filipino B-boy na si Ronnie Abaldonado at iba pa sa mga pinakasikat na B-boys sa mundo ng dancing sa dokumentaryong “Break’n Reality.”

Para naman sa fans ng gaming, available ang lahat ng episodes ng “Against the Odds,” tampok ang naging karanasan ng team OG sa Dota T18, at “Away from Keyboard,” kung saan susubukan ng mga sikat na gamer ang iba’t ibang klaseng action at adventure sports. 

Pagkatapos naman ng first leg ng Red Bull Cliff Diving World Series na ginanap sa El Nido, Palawan, magtatapatan naman ang mga magagaling na cliff diver sa grand finals na magsisimula sa Hunyo 4. Para naman sa mga mahilig sa surfing, tunghayan ang behind-the-scenes ng WSL Championship Tour sa “No Contest.”

Mapagpipilian din sa iWantTFC ang iba pang palabas ng Red Bull tulad ng “ABC of…,” kung saan pwedeng matuto ng basics ng mga extreme sports tulad ng mountain biking, parkour, at mountain climbing at “Tunnel Pass,” tampok ang makasaysayang kwento ng aerobatic pilot na si Dario Costa.

Panoorin ang mga events at shows ng Red Bull sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com). Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://help.iwanttfc.com/support/solutions/folders/61000200120/page/3?url_locale=.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFCo sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.