News Releases

English | Tagalog

Matty J, "Moving On" sa heartbreak sa bagong single

June 13, 2022 AT 01:36 PM

Kwento ng heartbreak at pagpapatawad ang hatid ng dating "Idol Philippines" contestant at iDolls member na si Matty J sa "Moving On," isang matapang na kanta tungkol sa halaga ng self-love pagkatapos masaktan dahil sa pag-ibig. Limang taon na ang nakalilipas nang isulat niya ang kanta na inspired sa isang taong nasaktan pero na-realize na deserving siya sa mas magagandang bagay bilang bida ng kanyang kwento. Si Star Pop head Rox Santos ang co-writer at producer ng kanta. Taong 2021 nang masungkit ni Matty ang Best Performance by a New Recording Artist sa Awit Awards para sa debut single niyang “Sayaw Ng Mga Tala.”
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE