News Releases

English | Tagalog

Gay couple, hangad ang “Pantay” na pagtingin sa lahat sa bagong kanta

June 16, 2022 AT 10:55 AM

Gay couple David Mercado and Rye Tan share hope for an unprejudiced world in new single “Pantay”

David and Rye, who have been together since 2015, teamed up in writing the song while Theo Martel arranged and produced it.

Isang Pride song mula kay David Mercado at partner na si Rye Tan
 
Pangarap na isang mundong “Pantay” para sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community ang tema ng bagong awitin ng singer-songwriter na si David Mercado kasama ang real-life partner niyang si Rye Tan na ini-release ng Star Music ngayong Pride Month.
 
Naitampok kamakailan sa TV Patrol ang istorya ng longtime couple, kung saan sinabi ni David ang hangad niya para sa isang mundong nirerespeto ang lahat ng uri ng pagmamahal.
 
“Sana makita natin ang isang mundong pantay, hindi lang kami pero people of the LGBTQIA+ community. Bibigyan niyo kami ng pagkakataon na marinig, na mabuhay nang totoo, na hindi natatakot na maging kami at magmahal,” aniya.

 
May paalala naman si Rye para sa mga kasama nila sa LGBTQIA+ community. Sabi niya, “Huwag kayong matakot magmahal, I think that’s very important. Sundin niyo ‘yung nararamdaman ng puso niyo, walang mali sayo.”
 
Isinulat nina David at Rye ang kanta na inareglo at ipinrodyus ni Theo Martel. Taong 2015 pa naging magkarelasyon ang dalawa at nagdaos ng ceremonial union noong 2018, na mapapanood ang ilang eksena sa music video ng “Pantay” at nagbibida rin ng iba pang queer persons.
 

Bukod sa pagiging music artist, isa ring events host si David at songwriter ng HIMIG 11th edition finalist song na “Kahit Kunwari Man Lang.” Inawit ito nina Moira Dela Torre at Agsunta at nanalo rin ng Most Streamed Song award sa kompetisyon.
 
Madalas ding magbahagi ng kanilang buhay sa social media sina David at Rye, lalo na sa TikTok (@davidandrye) kung saan mayroon silang mahigit 186,000 followers at sa kanilang YouTube vlog.
 
Buksan ang puso para sa isang “Pantay” na mundo at pakinggan ang awitin nina David at Rye sa iba’t ibang digital music platforms at panoorin ang music video nito sa ABS-CBN Star Music YouTube channel. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE