News Releases

English | Tagalog

'ASAP Natin 'To,' may bigating Father's Day treat ngayong Linggo

June 17, 2022 AT 07:16 PM

'ASAP Natin 'To' honors dads with a special performance this Sunday

Celebrate their special day with a heartwarming musical tribute from your favorite ASAP artists

Abangan din ang cast ng 'A Family Affair,' 'Flower of Evil,' and 'The Broken Marriage Vow'

May handang world-class Father's Day treat ang paborito ninyong Kapamilya stars, tampok ang mga bigating performance at iba pang sorpresa ngayong Linggo (Hunyo 19) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Maantig sa isang all-star musical tribute para sa pinakamamahal nating ama mula sa ASAP icons na sina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline Quinto, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez kasama rin sina Anji Salvacion, Alexa Ilacad, KZ, Darren, Jason Dy, Nyoy Volante, Klarisse de Guzman, Jeremy G, Elha Nympha, JM Yosures, Sheena Belarmino, Janine Berdin, Lara Maigue, Reiven Umali, Sam Mangubat, Angela Ken, Fana, Janella Salvador, JM de Guzman, at Gigi de Lana.

May mainit na salubong din sa cast ng "A Family Affair" tampok ang mga nagbabagang leading men na sina Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito, Jameson Blake, at ang pantasya ng bayan na si Ivana Alawi kasama si Gigi de Lana at ang GG Vibes Band. Hindi rin pahuhuli ang solo treat ng "Flower of Evil" star na si Lovi Poe at may kasamang special appearance mula kay Piolo Pascual.

Papunta na rin tayo sa exciting part dahil sa bigating finale treat ng "The Broken Marriage Vow" stars na sina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, Zaijian Jaranilla, Bianca Manalo, Ketchup Eusebio, Jake Ejercito, at Jane Oineza na sasabayan ng pangmalakasang biritan nina Gigi de Lana, Fana, at Angeline Quinto.

Maki-party rin sa '90s pop idols tugtugan nina Alexa Ilacad, Anji Salvacion, Maymay Entrata, Donny Pangilinan, KZ, Darren, Gary V., Zsa Zsa, Ogie, Regine, at ang buong "ASAP Natin 'To" family.

Abangan din ang collab nina Bamboo at Kyle Echarri, at ang bigating duet nina Regine at ang nag-iisang Concert King, Martin Nievera.

Maki-indak din kina AC Bonifacio at Maymay Entrata kasama sina Jeremy G, Jameson Blake, Joao Constancia, and Jin Macapagal.

Tuloy-tuloy rin ang kantahan sa pagdating ng The Company kasama sina KZ at Klarisse de Guzman. At abangan ang espesyal na new single performance ni Mr. Pure Energy Gary V.

Ito ang Father's Day celebration na hindi mo dapat palampasin mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.