News Releases

English | Tagalog

Piolo at Pia, magkatuluyan kaya sa “My Papa Pi” season finale?

June 17, 2022 AT 10:14 AM

Will Piolo and Pia end up together in “My Papa Pi” season finale?

Find out if there is a happy ending waiting for “My Papa Pi” protagonists Pipoy, Popoy, and Tere, who are played by Piolo Pascual, Pepe Herrera, and Pia Wurtzbach, as the ABS-CBN sweetcom reaches its season finale this Saturday (June 18).

“Hopeful season finale” ng ABS-CBN sweetcom, ngayong Sabado na!

Sa nalalapit na “hopeful season finale” ng “My Papa Pi” ngayong Sabado (Hunyo 18), malalaman na kung magiging happy ang ending para sa mga bidang sina Pipoy, Popoy, at Tere na ginagampanan nina Piolo Pascual, Pepe Herrera, at Pia Wurtzbach.

Sa dulo ng nakaraang episode, ipinasilip ang pagbabalak ni Tere na mag-propose kay Pipoy, na mukhang unti-unti na ring nahuhulog sa tinatangi ng kanyang yumaong kambal na si Popoy.

Nahuli pa ng multong si Popoy, na paminsan-minsan ay sumasanib sa katawan ni Pipoy, ang ibang pagtitinginan ng dalawa pagkatapos ang matagumpay na pagbubukas muli ng pinakasikat na tumbungan sa Mapag-asa Street maski wala ang kanilang lucky sandok.

Pero mukhang may hadlang sa dalawa dahil sa season finale, magbabalik sa buhay ni Pipoy ang kanyang ex na si Chudy Ann, na nanay ng anak niyang si Mikay (Allyson McBride).

Pangalawa, isa si Tere sa mga napipintong maglipat ng negosyo sa kabilang barangay, kung saan may itatayong business center.

Ilang araw bago ang finale, humihiling na ng season 2 ang fans ng ABS-CBN sweetcom, na magta-tatlong buwan na rin sa paghahatid ng saya at pag-asa sa pangunguna ng direktor na si Cathy Garcia-Molina.

Bentang-benta sa kanila ang kakaibang kwento at kwelang punchline ng programa at chemistry ng cast na kinabibilangan din nina Joross Gamboa, Frenchie Dy, Alora Sasam, Hyubs Azarcon, Katya Santos, Madam Inutz, Quincy Villanueva, Haiza Madrid, Anthony Jennings, at Daniela Stranner.

Hirit ng netizen na si Andrea Carios, “Season 2 plz! I'm very excited to watch this sweetcom every Sat.”
“This sitcom is actually awesome,” komento naman ng YouTube user na si FharAwayTV.

Magkakawatak-watak na kaya ang hopefuls ng Brgy. Gintong Tupa? Tuluyan kayang maghihiwalay ang landas nina Pipoy or Tere? Ano ang gagawin ni Popoy sa namumuong pag-iibigan sa pagitan ng dalawang taong pinakamahalaga sa kanya?

Alamin sa season 1 finale ng “My Papa Pi” ngayong Sabado (Hunyo 18), 7 pm sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, iWantTFC, at TFC. Sundan ang Star Creatives sa Twitter Facebook, at Instagram  para sa updates. 

Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.