News Releases

English | Tagalog

Pinay traveler, magbabahagi ng tips sa bagong FYE Channel show na "Travel with Kach"

June 23, 2022 AT 01:12 PM

Marami na ang nagbabakasyon at naglalakbay sa iba’t ibang lugar. Handa ka na rin bang sumabay? Alamin ang ilang tips mula kay Kach Umandap na nakalibot na sa 173 bansa gamit ang kanyang Philippine passport at mapapanood sa programang “Travel with Kach” sa FYE Channel. Isang visa consultant at blogger sa likod ng Two Monkeys Travel blog si Kach na masayang ikukuwento kanyang paglalakbay sa buong mundo at magbibigay impormasyon kung paano mapadali ang pagkuha ng visa sa iba’t ibang destinasyon. Abangan ang “Travel with Kach” sa FYE Channel sa kumu tuwing Biyernes simula June 24, 9 pm.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE