News Releases

English | Tagalog

Krystal Brimner, may panawagan na hayaan siyang maging “Young” sa bagong kanta

June 24, 2022 AT 12:27 PM

Dating viral child actress, bonggang performer na ngayon
 
May relatable na kanta ang dating child star at teen performer na ngayong si Krystal Brimner para sa mga kapwa niya kabataan na pinamagatang “Young.”
 
Ipinapakita sa feel-good na dance pop song, na isinulat ng kapwa Kapamilya talent na si SAB at ipinrodyus ni Star Pop label head Rox Santos, ang kaakibat na saya at lungkot ng pagiging bata sa panahon ngayon, kung saan marami ang gustong ipakita na ‘perfect’ sila sa social media kung saan walang lugar para magkamali.
 

“Pinapaalala nito sa atin ‘yung ganda ng kabataan, ‘yung pag-discover at pagkatuto mula sa mga experience natin, at syempre ‘yung saya na mafigure-out kung sino ba tayo at ano ang gusto natin,” ani Krystal.
 
Unang pinerform ni Krystal ang kanta sa PIE Channel nitong Miyerkules (Hunyo 22), kung saan ipinamalas niya ang galing niya sa pagkanta at pagsayaw at pinatunayan kung gaano na siya nag-improve bilang ace performer.

 
Pero para sa mga sumubaybay sa career ni Krystal, hindi na nakakagulat ang mga talento niya dahil palagi niyang ipinapamalas ito sa mga proyekto niya simula pa nang pumasok siya sa showbiz noong apat na taong gulang pa lang siya.
 
Nanalo si Krystal ng Best Child Performer award sa 2015 Metro Manila Film Festival noong 9 anyos pa lang siya nang bumida sa pelikulang “Honor Thy Father,” kung saan nag-viral pa siya nang mag-shave ng buhok para sa kanyang role. Matapos nito, nakuha niya rin ang titular character para sa produksyon ng Resorts World Manila sa musical na “Annie.”
 
Naging bahagi rin ang budding singer-actress ng trio kasama sina AC Bonifacio at Sheena Belarmino na A.S.K., kung saan regular silang nag-perform sa “ASAP” at iba pang Kapamilya shows. Ngayong 15 na siya, sumabak na rin siya sa recording at inilabas kamakailan ang debut single na “Let Me Be Me.”
 
Pakinggan ang bagong single ni Krystal na “Young” sa iba’t ibang digital music services! Para sa iba pang detayle, sundan ang Star Pop sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at sa Twitter at Instagram (@starpopph).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE