News Releases

English | Tagalog

"Beach Bros" theme song na "Life's A Beach," inawit nina Jeremy G at Nameless Kids

July 21, 2022 AT 12:10 PM

Jeremy G and Nameless Kids collab for "Life's A Beach"

"Life's A Beach" is the official soundtrack of the new iWantTFC series "Beach Bros."

Ang singer-performer na si Jeremy G at indie pop band Nameless Kids ang nagbigay-buhay at kulay sa kantang “Life’s A Beach,” ang official soundtrack ng bagong iWantTFC original series na “Beach Bros” tampok sina Kyle Echarri, Brent Manalo, Raven Rigor, Sean Tristan, at Lance Carr.
 
Inilalarawan ng “Life’s A Beach” ang romantic mood at summer vibes na napapanood sa “Beach Bros.” Tinatalakay rin ng kanta ang halaga ng pag-eenjoy at pagsabay sa agos ng buhay at ang paniniwala sa konseptong “you only live once” o YOLO.

 
Isinulat nina Jeremy G, Kyle Perry ng Nameless Kids, Star Pop head Rox Santos, at ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang bagong awitin na prinodyus din ni Jonathan kasama ang Nameless Kids at vocalist at keyboardist nitong si Nhiko Sabiniano.
 
Swak ang “Life’s A Beach” sa kwento ng “Beach Bros” na nagtatampok din kina Angelica Lao, Chie Filomeno, and Kira Balinger at ekslusibong napapanood sa iWantTFC. 
 
Bago niya isinulat ang “Life’s A Beach,” nakipagcollaborate din kamakailan si Jeremy sa kapwa Kapamilya artist na si Angela Ken para sa mga kantang “Your Everything” at “Hanggang Sa Muli” na bahagi naman ng original soundtrack ng “How to Move On in 30 Days.” Inilunsad din niya ngayong taon ang debut EP niyang “maybe forever.”
 
Samantala, inilabas naman ng Nameless Kids ang kanilang debut EP na “Shoes Out The Door!” noong Setyembre 2021. Tampok dito ang anim na original songs na isinulat at prinodyus ng mga myembro nitong sina Nhiko, Kyle (guitar), Kim Allen (guitar), Tati De Mesa (bass), at Imay Alconaba (drums).
 
Mapapakinggan na ang “Life’s A Beach” sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) and on Twitter and Instagram (@starpopph).
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.