News Releases

English | Tagalog

BGYO, bida sa Backstage Pass channel ng Viber ngayong Hulyo

July 25, 2022 AT 01:42 PM

BGYO takes over Viber's Backstage Pass channel

BGYO is the first P-Pop boy group to take over Viber's Backstage Pass channel.

May ekslusibong pagkakataon ang BGYO fans na makausap ang kanilang idolo online ngayong buwan sa pamamagitan ng Backstage Pass channel ng Viber.
 
Ang BGYO ang unang P-Pop boy group na nag-take over sa VIP online community na mayroon na ngayong 780,000 members at nagbibigay ng tsansa sa fans na makipag-interact sa kanilang paboritong music personalities na para bang kasama nila ito backstage.
 
Siguradong matutuwa ang fans nina  Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate na ACEs sa virtual meet-and-greet experience na hatid ng Backstage Pass ng Viber sa pamamagitan ng personal chats at eksklusibong pictures, videos, giveaways, at stickers.
 
Inilunsad noong 2021 ang Backstage Pass channel ng Viber na layuning iparanas ang pakiramdam ng pakikipag-bonding ng fan sa kanyang idol sa isang meet-and-greet sa concert, na hindi karaniwang nae-experience ng lahat.
 
Samantala, inilabas na ng BGYO ang comeback single nitong “Tumitigil Ang Mundo,” na mayroon nang 190,000 Spotify streams at lagpas 300,000 music video views sa YouTube sa kasalukuyan.  

 
Nag-perform din kamakailan ang BGYO sa Tugatog Music Festival at “Be You” benefit concert na kapwa ginanap sa MOA Arena.
 
Sali na sa Backstage Pass channel sa Viber para sa exclusive BGYO content! Para sa karagdagang updates tungkol sa BGYO, sundan ang BGYO_ph sa Facebook, Twitter, at Instagram, at mag-subscribe sa kanilang official YouTube channel, BGYO Official.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.