News Releases

English | Tagalog

Debut single ni Shanaia Gomez na “Para Sa’yo,” may pagpapahalaga sa totoong nagmamahal

July 29, 2022 AT 11:23 AM

Opisyal nang pinasok ni dating “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” celebrity housemate Shanaia Gomez ang recording sa paglunsad niya ng kanyang debut single na pinamagatang “Para Sa’yo” na alay niya sa taong tunay na maalaga at nagmamahal.
 

Handog ng Star Pop ang upbeat song na nilalarawan ang positibong epekto sa tao ng isang mabuting relasyon. Ipinrodyus ito ni Star Pop label head Rox Santos.
 
Bago niya tuluyang pinasok ang recording, nagpakilig muna si Shanaia sa “Diwata” at “Ikaw Ang” music videos bilang apple of the eye ni Sam Concepcion. Napapanood din siya sa trending series na “He’s Into Her” season 2 bilang Dominique.

 
Pinasok ni Shanaia ang industriya ng showbiz noong 2019 bilang contestant sa “Idol Philippines” season 1. Isa si Dua Lipa sa itinuturing niyang musical influences at paborito niya ring pakinggan ang musika ni Harry Styles at ng One Direction. 
  
Napapakinggan na ang “Para Sa’yo” ni Shanaia sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (www.facebook.com/starpopph), Twitter at Instagram (@starpopph).
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookTwitterTikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE