News Releases

English | Tagalog

Gary V., may pure energy birthday pasabog ngayong Linggo sa 'ASAP Natin 'To'

August 05, 2022 AT 09:39 PM

Gary V. with a pure energy birthday celebration on 'ASAP Natin 'To'

Get on your feet and celebrate the birthday of the one and only Mr. Pure Energy himself, Gary Valenciano

May sorpresa rin ang cast ng 'Sleep With Me,' 'Lyric and Beat,' at 'He's Into Her'
 
Talagang aapaw sa good vibes ang inyong weekend sa pure energy birthday pasabog ni Gary V. at iba pa ngayong Linggo (Agosto 7) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
 
Maki-party na sa bonggang birthday blowout ng nag-iisang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano, tampok ang inspirational kantahan nila nina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, at Gab Valenciano, habang hahataw rin siya kasabay sina Nyoy Volante, iDolls, Jameson Blake, Jin Macapagal, Krystal Brimner, Karina Bautista, BINI, Robi Domingo, at ang buong "ASAP Natin 'To" family kasama ang Maneouvres Ignite, at ang OG Maneouvres members na sina Jason at Joshua Zamora, Jon-Jon Supan, at Rene Sagaran.
 
Abangan din ang mga sorpresa ng paparating na Kapamilya digital shows, kabilang na ang duet kantahan ng "Sleep With Me" stars na sina Lovi Poe at Janine Gutierrez, pati na ang musical indakan ng cast ng "Lyric and Beat" cast na sina Seth Fedelin, AC Bonifacio, Angela Ken, Jeremy Glinoga, Sheena Belarmino, Aicy at Trisha Fabe, RJ Perkins, Kysha Navarro, CJ de Guzman, Awra Briguela, at Darren.
 
May finale treat din ang "He's Into Her" Season 2 stars na sina Donny Pangilinan, Belle Mariano, Kaori Oinuma, Turs Daza, Vivoree Esclito, Criza Taa, Dalia Verde, Limer Veloso, Rajo Serrano, Gello Marquez, Mikha Lim, River Joseph, CJ Salonga, Reich Alim, Zach Castañeda, Shanaia Gomez, at JC Alcantara.
 
Talagang biritan to the max ang masasaksihan sa contemporary hits tapatan ng New Gen Birit Idols na sina Elha Nympha, Reiven Umali, Fana, at Sam Mangubat.
 
At huwag palampasin ang '80s duet tapatan nina Kyla, Jason Dy, Nina, Darren, at Klarisse de Guzman kasama ang ASAP icons na sina Martin, Zsa Zsa, Ogie, Regine, at Gary V. sa "The Greatest Showdown."
 
Ito ang pure energy party na hindi mo dapat ma-miss mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
 
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.