News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN Entertainment, humakot ng 1 milyong TikTok followers

September 15, 2022 AT 03:43 PM

ABS-CBN Entertainment racks up 1 million TikTok followers

In August alone, ABS-CBN Entertainment gained over 488,900 new followers and 8.8 million likes

Nangunguna pa rin sa YouTube at Facebook…

May bagong digital milestone ulit ang ABS-CBN Entertainment dahil humakot ito ng isang milyong followers at higit 18 milyong likes sa video sharing platform na TikTok.

Para sa buwan ng Agosto, humakot agad ang ABS-CBN Entertainment TikTok ng 488,900 bagong followers at naka-8.8 milyong likes din ito ayon sa analytics firm na Social Blade.

Umaabot ng milyon-milyong views ang videos ng ABS-CBN Entertainment kung saan napapanood ang trending highlights at teasers ng mga Kapamilya teleseryeng “Mars Ravelo’s Darna,” “2 Good 2 Be True,” “A Family Affair,” at “Love in 40 Days.”

Swak din sa netizens ang mga video tampok ang patok at trending na mga eksena ng iba’t ibang programa, showbiz updates, at mga pinakamainit at pinag-uusapan na TikTok sa “Kapamilya TikTok of the Week.”

Ang milestone na ito sa TikTok ay parte ng lumalawak na digital presence ng ABS-CBN dahil nangungunang YouTube channel pa rin sa buong Southeast Asia ang ABS-CBN Entertainment na may 41 milyong subscribers at 53.5 bilyong lifetime views. 

Umaarangkada rin ito sa Facebook bilang ang most followed Facebook page pa rin sa Pilipinas na may higit 34 milyong followers. 

Ang lumalaking komunidad ng ABS-CBN online ay patunay ng unti-unting pag-transition ng ABS-CBN sa pagiging isang digital company na may pinakamalawak na online presence at pinakamadaming digital properties na pinapanood ng marami.

Maging parte ng online pamilya ng ABS-CBN at i-follow ito sa TikTok at Facebook, at mag-subscribe sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE