News Releases

English | Tagalog

Idol PH Season 2 winner Khimo, may grand pasabog live sa 'ASAP Natin 'To'

September 23, 2022 AT 06:14 PM

Catch a grand musical spectacle featuring Idol PH Season 2 winner Khimo live on 'ASAP Natin 'To'

The Idol phenomenon is at fever-pitch with a culminating musical performance from Idol PH Season 2 grand winner Khimo

Abangan din ang mga pasabog nina Regine, SB19, Sarah G, KD, Kice, at iba pa
 
Humanda muli sa isa na namang matinding world-class concert experience mula sa paborito ninyong Kapamilya idols live na live ngayong Linggo (Setyembre 25) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, and TV5.
 
Tuloy-tuloy ang Idol fever sa all-star kantahan nina "Idol Philippines" winner Khimo Gumatay kasama ang Season 2 contenders na sina Anthony, Delly, Nisha, Drei, PJ, Misha, Ryssi, Ann Raniel, Bryan, at Kice, na sasabayan din nina Shanaia Gomez, Lucas Garcia, Enzo Almario, Gello Marquez, Moira dela Torre, at ng buong "ASAP Natin 'To" family. Handa na ring maki-party ngayong Linggo sina Janine Gutierrez at Robi Domingo.
 
Samantala, pakatutukan din ang exclusive collab ng Asia's Songbird Regine Velasquez at P-Pop group na SB19, habang may special duet performance din ang nag-iisang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo kasama ang kanyang real-life sweetheart Matteo Guidicelli.
 
Iinit muli ang dancefloor sa K-Pop hits tapatan nina AC Bonifacio at Chie Filomeno kasabay ang D'Grind. Hahataw pa sa mashup sayawan si AC kasama sina Enchong Dee, Sheena Belarmino, Jeremy G, Jameson Blake, Jin Macapagal, at Joao Constancia.
 
Abangan din ang alternative hits kantahan nina Zsa Zsa Padilla at Martin Nievera kasama sina Kice, KD Estrada, Alexa Ilacad, Anji Salvacion, Jason Dy, at Darren, habang hindi rin pahuhuli ang ASAP dance royalty na si Kim Chiu.
 
At abangan ang bigating duet biritan nina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Klarisse de Guzman, Jed Madela, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez kasama ang new gen singing stars na sina Lara Maigue, JM Yosures, Sam Mangubat, Laine, Fana, Sheena Belarmino, at Khimo Gumatay sa "The Greatest Showdown."

Lahat ng ito, masasaksihan ninyo sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," live na live ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.