News Releases

English | Tagalog

Melai, Jhong, Kaila at dating “PBB” housemates, tampok sa bagong hybrid narrative-reality show ng Pie Channel

September 23, 2022 AT 11:07 AM

Melai, Jhong, Kaila, former “PBB” housemates star in PIE’S hybrid narrative-reality show

PIE (Pinoy Interactive Entertainment) Channel continues to beef up its offerings for its fourth month on air as it launches an engaging hybrid narrative-reality show this September 24.

Simula ngayong Setyembre 24
 

Mas mabubusog ang viewers ng PIE (Pinoy Interactive Entertainment) Channel sa mga inihandang bagong programa para sa ikaapat na monthsary nito kabilang na ang isang hybrid narrative-reality show na host at aktor si Melai Cantiveros simula ngayong Sabado (Setyembre 24, 8 pm). 

Sa “The Chosen One: Ang Piliserye ng Bayan,” nasa kamay ng PIE viewers ang kapalaran ng mga karakter sa kwento dahil sila ang magpapasya kung sino ang mabubuhay o matsutsugi sa pamamagitan ng botohan. Limang maswerteng Philippine-based voters ang mananalo ng P1,000 kada linggo na mapipili via randomizer. 

Para sa pilot ng “The Chosen One,” tampok nito ang campy thriller series na “Soap Opera” na susundan ang kwento ni Charlie (Kaila Estrada), isang dalagang sasabak sa isang networking group na Astra Nuevo kung saan bossing si Miss Jane (Melai). Sa Astra Nuevo, makikilala ni Charlie ang 10 taong tulad niya ay nangangarap ding makaahon sa hirap. Pero imbes na ginhawa, nalagay sa alanganin ang kanilang mga buhay. 

Magsisilbing players o ang mga karakter na pagbobotohan ng PIE viewers ang dating “PBB” housemates na sina Andi Abaya (Rachel), Amanda Zamora (Julie), Dustin Mayores (Jason), Gabb Skribikin (Cheska), Kobie Brown (Peter), Luke Alford (Kiko), Maxine Trinidad (Emma), Rob Blackburn (Joe), Seham Daghlas (Paula), at Zach Guerrero (Mike). 

Tuwing Sabado (8 hanggang 10 pm), magpapalabas ang “The Chosen One” ng live episodes ng “Soap Opera” at pagkatapos nito, magbibigay ng komento si Melai kasama ang ‘chosen mentor’ na si Jhong Hilario. Malalaman din ng viewers ang standing ng bawat player base sa audience votes. 

Ani Melai sa ipinalabas na primer ng show, ibang klaseng Melai raw ang mapapanood ng viewers sa “The Chosen One.” Kwento niya, “First time ko na ganitong storya. Kasi ako naman nagho-horror, pero may sundot na comedy. Dito parang may pagka-serious talaga.” 

Samantala, nagpasalamat naman si Jhong na siya ang napiling ‘chosen mentor’ at nagbahagi kung anong gusto niyang makita mula sa mga player. 

“Siyempre dahil suspense thriller itong piliserye natin, gusto kong matakot sa acting nila. Gusto kong tumayo ‘yung mga balahibo ko dahil alam ko kapag natakot ako, ‘yung mga manonood sa kanila, matatakot din,” sabi ni Jhong. 

Bukod sa “The Chosen One,” may bagong shows at PIE jocks din ang PIE para umapaw ang saya araw-araw. Nariyan sina Gretchen Fullido, Abby Trinidad, Frances Cabatuando, Mayor TV, Tristan Ramirez (Lunes hanggang Sabado) Madam Inutz, Migs Bustos, at Nicole Cordovez (Linggo) sa BRGY PIESILOG; Janine Berdin at Raco Ruiz sa PIEBORITO (Lunes hanggang Linggo); Anji Salvacion, Eris Aragoza, Ralph Malibunas, Sam Bernardo (Lunes hanggang Sabado), Gello Marquez, Jeremy G, Reign Parani, at Vivoree (Linggo) sa PIEGALINGAN; Eian Rances, Negi, Sela Guia, Kevin Montillano, Nicki Morena, Ruth Paga, Nonong Ballinan (Lunes hanggang Sabado) Inah Evans, Kid Yambao, Patsy Reyes, at Jackie Gonzaga (Linggo) sa PIENALO; at sina Aaron Maniego, Karen Bordador, Renee Dominique (Lunes hanggang Biyernes), Elmo Magalona, at Vivoree (Linggo) sa PIE Night Long.  

Ang PIE ang unang multiscreen, real-time interactive TV channel ng bansa, kung saan pwedeng sumali at manalo ng cash prizes ang araw-araw.  

Hanapin ang PIE channel sa pag-scan ng iyong digibox. Available rin ito sa website (pie.com.ph), YouTube (http://youtube.com/iampieofficial), BEAM TV, o Sky Cable Channel 21. Pwede ring mapanood ang PIE live sa GLife ng GCash app. Ang PIE ay hatid ng ABS-CBN, Kroma Entertainment, BEAM, at 917Ventures.  Sundan ang PIE (@iamPIEofficial) sa Facebook, Twitter, Instagram at TikTok para sa mga update.   

Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom