News Releases

English | Tagalog

Star Pop at AOR Global ng Singapore, magkatulong sa pagbibigay-halaga sa mental health sa "My Safe Place" EP

September 23, 2022 AT 04:22 PM

Star Pop teams up with Singapore's AOR Global for mental health advocacy EP "My Safe Place"

Among the EP's artists are Filipino pride Trisha Denise and LU.ME and Singaporean talents KIRI, kotoji, and Marian Carmel.

Tampok ang Filipino artists na sina Trisha Denise at LU.ME

Nakipagsanib-pwersa ang Star Pop music label ng ABS-CBN sa Singapore-based creative production house na AOR Global para itaguyod ang mental health sa pamamagitan ng isang extended play (EP) na pinamagatang "My Safe Place," tampok ang Filipino at Singapore artists at nakatakdang i-release sa Oktubre 7 (Biyernes).
 
Naging posible ang kolaborasyon dahil sa Pinoy talents na sina Trisha Denise at LU.ME at Singapore-based acts na sina KIRI, kotoji, at Marian Carmel—na pawang naniniwala na malaki ang ginagampanan ng musika sa mental wellbeing.
 
Ibinahagi naman ng overall project manager na si Anjila Lim, na kilala rin bilang artist na si kotoji, ang hangarin nila sa EP na naglalahad ng kwento ng pagkilala, pagtanggap, pagtitiwala, at pag-asa. Aniya, "“We want to create a movement where people embrace music as a means to find comfort and to help themselves in times of difficulty and need—to create a safe place.” 
 
Mapupunta naman sa Samaritans of Singapore, Shan You, at Bantay Bata 163 ang bahagi ng kikitain sa digital streams ng "My Safe Place" EP na co-produced nina ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo at Star Pop label head Rox Santos.
 
Samantala, maghahandog ng acoustic performance ng title track na "My Safe Place" ang artists sa proyekto sa “Let’s Talk About Mental Wellness” event na inorganisa ng gobyerno ng Singapore at gaganapin sa Cairnhill Community Centre doon sa Oktubre 8 (Sabado).
 
Sa pakikipagtulungan naman sa Singapore Street Festival, magkakaroon din ng “My Safe Place” concert sa Oktubre 12 (Miyerkules) sa Esplanade Recital Studio sa Singapore. Layunin ng charity event na ipagdiwang ang release ng EP tampok ang live performances mula sa artists at magsilbing fundraiser para sa mga darating na mental health projects ng Singapore Street Festival. Mabibili na ang ticket para sa concert sa halagang 40 SGD bawat isa sa sistic.com.sg
 
Yakapin ang musikang nagdadala ng inspirasyon at pakinggan ang “My Safe Place” EP sa iba't ibang digital music platforms simula Oktubre 7 (Biyernes). Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at sa Twitter at Instagram (@starpopph).