News Releases

English | Tagalog

Kim, DonBelle, KDLex, Maymay, Edward, at iba pa, ito-tour ang manonood sa US

September 30, 2022 AT 10:39 AM

Masayang bonding at kakaibang experiences nina Kim Chiu, Donny Pangilinan, Belle Mariano, KD Estrada, Alexa Ilacad, Maymay Entrata, Edward Barber, at marami pang ibaang mapapanood ng viewers sa"Star Magic 30: Beyond the Stars Aftershow" tuwing Miyerkules at Sabado.
 
Dinala nina Maymay at Edward kasama sina Andrea Brillantes, AC Bonifacio, Kyle Echarri, at Gigi de Lana ang manonood sa magagandang tourist destinations na makikita sa New York. Nagkaroon din sila ng tsansa mapanood ang bagong pelikula ng komedyanteng si Jokoy habang panoorin din kumanta ang ilang Star Magic singers sa iba't ibang lansangan sa New York.
 
Alamin naman ang mga nakakakilig na ginawa nina Donny at Belle sa kanilang unang out of the country tour bilang isang loveteam pati na ang inihanda nilang surpresa sa manonood. Makikita rin sa episode ang reunion ni Charlie Dizon sa kanyang pamilya.
 
Samantala, sinorpresa naman ninaKim, KD, Alexa, Charlie, Zanjoe Marudo, Maris Racal, at Carlo Aquino ang ilang Pilipinong cancer patients sa kanilang maikling pagbisita sa isa sa mga ospital sa Los Angeles.
 
Bukod pa rito, nagkaroon din ng pagkakataonang nasabing Star Magic artists na hasain ang kanilang galing umarte, sumayaw, at kumanta sa ilang workshops nila sa US.
 
Kasama rin sa nasabing aftershow sina Angela Ken, Lian Kyla, Janine Berdin, Kyle Echarri, at Eric Nicolas.
 
Bukod sa "Star Magic 30: Beyond the Stars Aftershow," available din sa iba't ibang ABS-CBN YouTube channels ang Made For YouTube shows na "Boys After Dark," "IQ Ang Nagwagi" Season 2, "Siquijor Viners," "Lucky Home with Master Hanz," at "Love Bites."
 


Panoorin ang bagong episodes ng Made For YouTube show na "Star Magic 30: Beyond the Stars Aftershow" tuwing Miyerkules at Sabado sa YouTube channel ng Star Magic.